Chapter 9
Get Your f*****g Hands Off
Late na nang ma-realize ko yung mga nasabi ko, pakiramdam ko natapakan ko ang ego ni Grey. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit pilit niya akong pinapalayo kay Adam.
Kanina pa ako hindi makatulog 11:55 pm na. Nag decide akong lumabas muna ng kwarto ko para uminom, pero muntik na 'kong himatayin sa gulat ng makita ko si Grey na naglalakad.
Malamig niya akong tinignan, kahit patay ang ilaw ay nakikita ko pa rin ang mukha niya dahil sa ilaw mula sa kwarto ko.
Hindi nagtagal ay nag-iwas siya ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad.
Humugot ako ng lakas ng loob para magtanong. "S-saan ka pupunta?" Tanong ko.
"Aalis." Tipid at malamig niyang sagot pero hindi pa rin niya ako hinaharap.
"Gabi na, saan ka pa pupunta?" Tanong ko.
"Wala kang pakealam." Sagot niya at lumabas na, pabagsak niyang sinarado ang pinto. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, hindi ako sanay na ganito siya. Sanay ako sa Grey na palaging nakasigaw saakin.
*
Nakahanda na ako para pumasok sa school, nandito na kaya si Grey? Umakyat ako sa taas para katukin siya sa kwarto niya.
"Grey." Tawag ko habang kumakatok sa pintuan niya. Katok ako ng katok pero walang sumasagot kaya minabuti ko na lang na buksan ang pinto, hindi siya naka lock.
Chineck ko kung nasa loob siya pero ni anino ni Grey na wala akong nakita. Bumaba na lang ako. Paano ako papasok ng school ngayon? Walang-wala na akong pera.
Nagtungo ako sa sala, nakita ko na may nakalapag na 7,000 sa maliit na mesa. Chineck yung phone ko, parang tumalon yung puso ko nang makita ko na nagtext saakin si Grey. Binuksan ko yung message.
Yung sweldo mo iniwan ko sa sala
Nag reply ako.
Salamat. :) Nasaan ka? Bakit hindi ka umuwi kagabi? Saan ka natulog?
Kinuha ko na yung 7,000 habang hinihintay ko siyang mag reply. Umalis na ako ng unit niya at nag taxi na lang ako papunta ng school.
Nakadating na ako sa school pero hindi pa rin nag re-reply si Grey. Galit talaga siya, nakakainis naman Mariese! Bakit ba hindi mo mapigilan yang bunganga mo?!
Kailangan kong mag pa sorry sakanya, gusto ko personal akong mag sorry. Nagmadali akong nagtungo ng classroom, sana pumasok siya.
Nang makarating ako sa classroom ay kaagad kong tinignan kung saan nakaupo si Grey, pero nakaramdam ako ng pagka dismaya nang si Klyde, GUN at Laxy lang ang nakita ko. Nagtungo na lang ako sa pwesto ko, katabi ko si Jin.
"Good Morning Mariese!" Masigla niyang bati. Nginitian ko lang siya ng pilit.
"What happened?" Tanong niya. Nahalata niya siguro.
"Wala, haha. Gutom lang ako." Pagdadahilan ko at mukhang naniwala naman siya.
"Sus! Ikaw ha, dapat mag diet ka!"
Maya-maya pa dumating na ang teacher namin.
"Good Morning class." Bati niya.
"Good Morning ma'am!" Bati namin.
Kumunot ang noo niya. "Bakit absent si Grey?" Tanong niya sa tatlo, tinignan ko kaagad ang tatlo at tulad ni ma'am naghihintay rin ako ng sagot.
"Ewan ko dun ma'am." Sagot ni Klyde.
"Bakit ewan mo? Kaibigan mo siya hindi ba? Dapat alam mo." Sabi ni ma'am.
"E hindi nga namin siya makausap ng matino e! May magagawa ba kami?!" Walang galang na sagot ni Laxy. Napailing na ang si ma'am at nag discuss na lang ng lesson.
"Tang ina, ang boring. Buti pa si Grey sarap buhay." Sabi ni Laxy na hindi naman nakatakas sa pandinig ko, malapit lang kasi sila saamin.
"Sabi ko na kasi sainyo huwag na lang tayong pumasok e." Sabi ni Klyde.
"Mamaya, mag cu-cutting ako. Pupuntahan ko siya sa secret place natin mamaya." Sabi ni Laxy. Saan naman kaya yung secret place na yun?
"Natulog si Grey doon kagabi e." Sabi ni Klyde. Ganun pala? Imbes na makinig ako sa teacher namin ay nakikinig ako sa usapan ng dalawa.
"Ah. Akala ko umuwi rin siya, mas nauna kasi akong umalis sainyo." Sabi ni Laxy.
"Actually, kaming dalawa ni Grey natulog dun. Kayo lang ni GUN ang hindi."
"Oy kayo ah, anong ginawa niyo? Wahahaha. Ikaw Klyde hindi pa nga nakaka recover ang junior mo sa pagkakatuhod nung babae sayo si Grey nanaman ang tinitira mo." Asar ni Laxy. Kadiri naman ang iniisip ni Laxy, hindi magagawa ni Grey yun. Lalaki si Grey.
"Gago, yung utak mo talaga hindi gumagana no?! Tska huwag mo na ngang ipaalala saakin yung babaeng yun!"
Naputol ang pag-uusap nila nang magsalita si ma'am. "Baka gusto niyong i share ang pinagbubulungan ninyong dalawa?"
"Hindi, kaya nga ibinubulong namin kasi ayaw naming i share e." Sarcastic na sagot ni Laxy, maloko talaga 'to. Nagtawanan naman ang buong klase.
"QUIET!" sigaw ni ma'am.
*
Gabi na pero hindi pa rin ako umuuwi, hahanapin ko si Grey. Hindi niya kasi sinasagot ang mga text at tawag ko. Ilang oras ko ng hinahap yung Secret place nila, saan ba kasi yun?!
Bigla akong napasubunot sa sarili ko, ang tanga ko talaga. Dapat sa liblib na lugar ako maghanap, kaya nga 'Secret' e kasi liblib yun!
Pumunta ako doon sa medyo liblib na lugar, medyo pa lang 'to pero ang dilim na at ang daming puno. Wala ka mang makikitang bahay dito. s**t kinikilabutan ako, pero para kay Grey.
"Hi miss," bati ng isang lalaking papalapit saakin. May kasama siya. Puro itim ang suot nila.
"Kuya, dito po ba kayo nakatira?" Tanong ko.
Inalis nung isang lalaki sa bibig niya ang sigarilyo at tinapon. "Hindi e, gumala lang kami rito. At swerte namin nakahanap kami ng magandang tulad mo." Ngising demonyo niyang sabi habang papalapit saakin, nagsimulang bumilis ang t***k ng puso ko. Alam ko, alam ko na nasa panganib ako kaya kailangan ko ng umalis.
Kaagad akong tumakbo pero mabilis nila akong nahabol, hinawakan ako sa dalawang braso nung lalaki.
Pinagpapawisan na ako at naiiyak na ako. "Kuya please, pakawalan niyo na 'ko." Naiiyak kong sabi at nagpupumiglas pero mahigpit ang hawak niya.
"Ayoko, papakawalan ka lang namin kapag tapos ka na naming gamitin." Nakangising sabi nung isa. Nag-unahan sa pagtulo ang mga luha ko, hindi ayoko. Hindi pwede.
"AYOKO! PAKAWALAN NIYO KO MGA PANGIT KAYO! TULONG! TULONG-" sigaw ko at bigla akong sinampal ng lalaking may sigarilyo kanina, napangiwi ako sa sakit. Ang bigat ng kamay niya, nalalasahan ko na ang dugo sa labi ko.
"Inuubos mo ang pasensiya ko!" Sigaw niya at akmang sasampalin ako ulit pero may biglang nagsalita.
"GET YOUR f*****g HANDS OFF OF HER!" maawtoridad niyang sabi, mas lalo akong naiyak. Kilala ko ang boses na yun. Si Grey.
"Beautiful Man." Nakangising sabi nung lalaking nanampal saakin. Umalis na siya sa harapan ko at pinuntahan niya si Grey, pinharap ako ng lalaking may hawak saakin sa kinaroroonan nila Grey.
"Mariese," tawag saakin ni Grey nang iharap ako nung lalaki sakanila. Rumihistro ang pag-aalala? Sa mukha ni Grey.
"Damn! What did you do to her?!" Galit na sigaw ni Grey doon sa nanampal saakin.
"Sinampal ko lang naman at gagamitin sana namin kaso dumating ka e."
Nag-igting ang bagang ni Grey at sinapak yung lalaki, akmang sasapakin din nung lalaki si Grey pero mabilis na nakailag si Grey at hinawakan sa braso yung lalaki at nanlaki ang mga mata ko ng baligtarin niya yung lalaki. Mas malaki ang katawan nung lalaki kay Grey pero nakaya siyang baligtarin nito. Mukhang nabali ang likod nung lalaki at hindi siya makatayo.
"ARRG!" daing niya.
"s**t!" Dinig kong mura ng lalaking humahawak saakin, unti-unti na ring lumuluwang ang pagkahawak niya saakin. Tinignan siya ng masama ni Grey, kumaripas siya ng takbo.
Kaagad akong nilapitan ni Grey, he cupped my face kaya bumilis ang t***k ang puso ko. Pinunasan niya ang dugo sa gilid ng labi ko gamit ang thumb niya.
Pumikit siya ng mariin. "Tang ina, ito ang dahilan kung bakit ayaw kitang palapitin kay Adam!" Matigas niyang sabi.
"S-sorry." Hingi ko ng tawad, minulat niya ang mga mata niya at pinunasan ang mga luha ko. Sa ginawa niya mas lalo lang akong naiyak.
"Ano ba kasing ginawa mo dito ha?" Tanong niya.
"Hinahanap kita," umiiyak kong sabi. Nagulat naman siya.
"Ano naman ang pumasok sa isip mo at hinahanap mo ako sa liblib na lugar?" Tanong niya.
"Narinig ko sina Klyde, ang sabi niya nasa 'Secret place' ka raw." Sagot ko.
Ginulo niya ang buhok ko. "Hindi dito ang secret place namin, nakatago lang yun sa GU." Paliwanag niya.
"Ang galing! Saan nakatago?" Parang bata kong sabi.
Natawa siya ng bahagya. Shet, bakit ang sexy? "Hindi ko pwedeng sabihin sayo." Sabi niya.
Napanguso na lang ako.
Natawa ulit siya. "Para kang bata. Tara na nga, umuwi na tayo." Sabi niya.
"Talaga? Uuwi ka na?" Masaya kong tanong.
"Oo, hindi dapat kita iniwan e. Tignan mo tuloy nangyari." Sabi niya sabay turo sa gilid ng labi ko. "At baka kung hindi pa ako dumating baka mas malala pa ang gawin nila." Nakangiwi niyang sabi. Bakit ka ganyan Grey? Ang manly mo lalo! Nakakainis!
"Tara na, gagamutin natin yang sugat mo..."