GreyJusheanGarde
Sinilip ko si Mariese sa kwarto niya, mahimbing siyang natutulog at halata pa rin ang pasa sa gilid ng labi niya. Tang ina mo Adam! Humanda ka! Dahan-dahan kong isinara ang pintuan ng kwarto ni Mariese at kaagad akong lumabas ng unit ko.
Pinindot ko ang doorbell ng unit ni Adam at konti na lang mawawasak na ito. "ADAM! LUMABAS KA DIYAN!" Galit kong sigaw. Biglang bumukas ang pinto at kaagad ko siyang sinapak sa mukha. Tuloy-tuloy ang ginawa kong pag atake sakanya dahil sa gulat hindi niya ako magawang gantihan pero nang maka recover siya ay kaagad niya akong sinapak pero hindi ko ininda ang sakit, nag palitan kami ng mga suntok kapwa na kami may mga pasa at sugat. Sinipa ko siya sa tiyan at napahiga siya sa sahig, umupo ako sa tiyan niya at sunod-sunod na suntok ang pinakawalan ko sa mukha niya.
"f**k!" daing niya dahil hindi siya makalaban. Tinigilan ko ang pagsuntok sakanya.
"Oh yea f**k you!" I hissed.
"Ano bang problema mo?!" Galit niyang sigaw.
"Gago ka Adam! Bakit mo dinamay si Mariese?!" I said in gritted teeth.
He looked at me in disbelief. "Damn, nababaliw ka na ba?! Wala akong alam sa sinasabi mo!" Hindi makapaniwala niyang tanong. Tumayo na ako at ganoon din siya.
"Anong ibig mong sabihin?" Gulat kong tanong.
"Wala akong balak idamay si Mariese! Gago ka ba Grey? She's too innocent para idamay ko sa gulo natin! Or should i say gulo niyo!" He hissed.
"E bakit noong isang gabi sinaktan siya ng mga kasamahan niyo ni Zeus?!"
Gulat niya akong tinignan. "A-ano?"
"Hindi ba spy ka ni Zeus?! Baka sinabi mo sakanila na nasa unit ko si Mariese kaya balak nila siyang saktan!" Inis kong sabi.
"Bakit ko naman gagawin yun?! Ni hindi ko pa nga nakakausap si Zeus e!" Inis niyang sabi.
Hindi kaya noong hinahanap ako ni Mariese ay nagkataon na gumagala yung dalawang tauhan ni Zeus at nakita si Mariese? Ah s**t!
"Teka... Ikaw ba ang nagligtas kay Mariese mula doon sa mga tauhan ni Zeus?" Tanong niya. Tumango ako. "Ipinahalata mo ba na kilala mo siya? Anong reaksiyon mo noong inililigtas mo si Mariese?" Sunod-sunod niyang tanong.
"Oo, tinawag ko siya sa pangalan niya. At natural galit ako anong gusto mo? Maging masaya ako dahil sinaktan nila ang maid ko?" Sarcastic kong sabi.
"Ugh! Gago ka ba?! Lalong mapapahamak si Mariese sa ginagawa mo e!" Nanggigigil niyang sabi. Napag isip-isip ako sa mga sinabi ni Adam. s**t! Ang bobo mo Grey!
Inayos ko ang sarili ko. "Kaya ko naman siyang protektahan!- Teka bakit ba ganyan ka makaasta?! Maid KO si Mariese! AKO ang boss niya!" Sabi ko at may diin bawat salita.
"May sinabi ba ako na ako ang amo niya?" Sarcastic niyang tanong.
"E bakit ganyan ka nga makaasta?" Tanong ko. Para naman kasing anak niya si Mariese kung makaasta siya. Tss.
"Because I like her." Pormal niyang sagot. Nagulat ako sa sinabi niya. Gusto niya si Mariese? Ano naman ang nagustuhan niya kay Mariese? E napaka tigas ng ulo nun at napaka kulit.
"Hindi mo naman siya gusto hindi ba?" Seryoso niyang tanong saakin.
"S-syempre naman! Bakit naman ako magkakagusto sa maid ko?!" Inis kong tanong.
"Mabuti naman," sabi niya at ngumiti. "Hindi ko alam na ang bobo mo pala, maganda si Mariese at mabait. At nakatira lang kayo sa iisang bubong, bakit hindi mo siya gusto?" Sabi niya.
"Tapos ka na ba?" Walang emosyon kong tanong. "Alis na ko." Sabi ko at kaagad ng lumabas ng unit niya. Nahihibang ba siya? Ako pa ang bobo? Baka siya! Si Mariese mabait? E hindi nga ako ginagalang bilang amo nun e! Si Mariese maganda? Oo sige, pero hindi siya kasing sexy ni Ann Curtis!
Pumasok na ako ng unit ko.
"GREY!" gulat na sigaw ni Mariese na kalalabas pa lang ng kwarto.
"Ang ingay mo!" Inis kong sabi. Kaagad niya akong nilapitan at hinawakan ang mukha ko.
"Aray!" Nakangiwi kong sabi at hinawi ang kamay niya.
"Sorry.. Ano bang nangyari sayo?" Tanong niya.
"Wala 'to." Sabi ko at akmang lalagpasan ko na siya pero hinawakan niya ang braso ko at kinaladkad ako papuntang kusina, pinaupo niya ako sa counter top.
"Gagamutin natin yan," sabi niya habang kumukuha ng yelo sa ref.
"Hindi na kailangan!" Inis kong sabi at akmang tatayo na pero tinuro niya ako using her pointing finger. "Umupo ka diyan at manahimik!"
Napairap na lang ako sa hangin at nanatili sa kinauupuan ko. Maya-maya tinabihan niya ako at nilagyan ng yelo ang mga pasa ko. Ang lapit ng mukha niya nakakainis. Nakaawang ang bibig niya habang ginagamot ang mga pasa ko. Lalong nag salubong ang mga kilay ko, nakaka bwisit bakit ba ginagawa niya 'to?
Hinawi ko ang kamay niya. "Inaantok na 'ko." Masungit kong sabi. Lumayo siya saakin. "Pero hindi pa tayo tapos." Sabi niya.
"Ayoko na Mariese." Inis kong sabi.
"Bakit ba ang sungit mo?" Tanong niya.
"Bakit ba ang kulit mo?" Balik tanong ko sakanya.
Huminga siya ng malalim. "Ginamot mo yung sugat ko at iniligtas mo rin uh ako, kaya gusto kong makabawi sayo." Sabi niya at iniwan na ako dito.
Bakit ba gusto siya ni Adam? Ano yun? Na love at first sight siya kay Mariese? Paano kung gusto rin ni Mariese si Adam? Edi mawawalan na ako ng maid?! Ayoko! Nakakatamad maglinis, magluto at maglaba!
Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang sumulpot si Mariese sa harapan ko, may dala siyang first aid kit. Akala ko bumalik na siya sa kwarto niya.
"Pesensiya na kung natagalan, hinahap ko pa kasi e." Sabi niya at nginitian ako.
"Huwag kang ngumiti!" Inis kong sabi sakanya.
"Bakit?" Nakanguso niyang tanong.
"Ang pangit mo!" I hissed. Sinamaan niya ako ng tingin.
"Alam ko! Kaya hindi mo na kailangang ipamukha sakin!" Inis niyang sabi at naglagay ng betadine sa bulak at idinampi sa mga sugat ko.
Kahit na naiinis siya saakin dahil sinabihan ko siyang pangit ay maingat niya pa ring ginagamot ako sugat ko. Naniwala talaga siya sa sinabi kong pangit siya? Pangit ba talaga ang tingin niya sa sarili niya? Tinitignan ko siya habang ginagamot niya ang mga sugat ko.
Mukha siyang inosente kamukha niya si IU.
Inalayo na niya ang mukha niya sa mukha ko. "Yan tapos na, magpahinga ka na." Sabi niya at tumayo na siya mula sa kinauupuan niya saka binitbit ang first aid kit. Tumalikod na siya saakin at nagsimula na siyang maglakad.
"Joke lang." Hindi ko alam kung bakit ko sinabi iyon. Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako.
"Huh?" Nagtagaka niyang tanong.
"Joke lang na pangit ka." Sabi ko at tumayo na ako sa linauupuan ko at iniwan ko siyang nakatulala. Napangisi ako habang naglalakad.
___________________