Chapter 11

1516 Words
Kasama ko ngayon si Grey at kumakain kami ng almusal na niluto ko syempre, ano pa bang aasahan ko kay Grey? "Intrams pala ngayon," bigla kong nasabi. "Oo, kaya walang math." Sagot niya na ikinakunot naman ng noo ko. "Kapag intrams walang lesson kaya walang math, mapapahinga ang utak ko kakaintindi sa punyetang 'yun." Sagot niya at ipinagpatuloy ang pagkain. Natawa ako ng bahagya, ayaw ni ng Math? Paborito ko kaya ang Math. Hindi ko alam kung bakit napakaraming tao na ayaw sa Math. "I love Math," sabi ko. Napatigil siya sa pagkain at gulat akong tinignan. "Baka kailangan kitang dalhin sa albularyo, kawawa ka naman." Gulat niyang sabi. Napailing na lang ako. "Seryoso ako Grey, favorite subject ko talaga ang Math. Ano pa't naging top two ako?" Pagmamayabang ko. Si GUN Villazamora kasi ang top 1 sa klase, sobrang talino kaya nun ewan ko ba kung bakit hindi niya mahawaan itong si Grey. "Edi ikaw na," sabi niya at uminom ng tubig. "Hindi ka naman kasi mahihirapan sa Math kung nakikinig ka at naka focus, dapat huwag mo ring gawing mindset na mahirap ang Math kasi lalo ka lang mahihirapan." Payo ko sakanya. "Oo at hirap na hirap na ako at parang lalagnatin na dahil pinag-uusapan natin ang Math, tumayo ka na diyan at aalis na tayo." Sabi niya at tumayo na mula sa pagkakaupo niya at iniwan na ako dito sa kusina. Iniligpit ko na ang mga pinagkainan namin, nang matapos kong iligpit ang mga iyon ay kumuha ako ng basahan at pinunasan ang mesa. Naghugas ako ng kamay pagkatapos * Nandito na kami ngayon sa GU ni Grey, ang daming mga estudyante ang pakalat-kalat at yung iba naman ay busy sa pagsali sa mga sports. "Anong sasalihan mo?" Tanong ni Grey habang naglalakad kami, bakit nandito pa 'to? "Ewan ko, quiz bee?" Hindi siguradong sagot ko. He rolled his eyes. "Nerd," sabi niya. "Intrams to Mariese." Inis niyang sabi. "Ah siguro badminton na lang," sagot ko. "Ikaw ano ang sasalihan mo?" Tanong ko. "Basketball," tipid niyang sagot. "Ge, alis na 'ko. Puntahan ko lang sina Laxy." Paalam niya sakin. Tumango naman ako at pinanood siya habang naglalakad paalis, ang manly talaga niya. Nakapamulsa siya habang naglalakad. Iniwas ko na lang ang tingin ko at hinanap na lang si Jin at nakita ko siya na naglalakad at mukhang may hinahanap. "JIN!" Tawag ko, tinignan niya ako at nginitian. "There you are!" Sabi niya habang papalapit saakin, ako pala ang hinahanap niya. Ngumiti ako ng bahagya, medyo makirot pa rin ang gilid ng labi ko. Binigyan lang ako ng concealer ni Grey para hindi mahalata, pati yung mga pasa niya ay nilagyan niya rin. Talaga namang maarte itong si Grey sa katawan niya. "Anong sasalihan mo?" Tanong niya saakin. "Badminton, ikaw?" Sagot ko. Ngumiti siya. "Omg, papanuorin kita. Mag ja-javelin throw ako e, as usual." Sabi niya. "Good luck Jin," sabi ko. "Thank you, ikaw din Good luck." Masaya niyang sabi. "Mauuna ang Javelin throw kaysa sa badminton hindi ba?" Sabi ko tumango naman siya. "O tara na," pag-aya ko sakanya. Tumango naman siya. Nakaupo ako ngayon sa isang bench habang pinapanuod si Jin, proud na proud talaga ako sa best friend kong 'to dahil napakagaling niya pagdating sa Javelin throw. "Go Jin!" Pag che-cheer ko. Seryoso ang mukha niya habang naka posisyon siya hawak-hawak ang javelin, bigla niyang inihagis ito at tumusok iyon sa lupa. Kaagad na tumakbo yung MAPEH teacher namin at minesure ang layo ng narating noong Javelin. Maya-maya pa ay inaanounce na ang First place, at iyon ay Jin nanaman. Nakangiti niya akong nilapitan. "Ang galing mo Jin!" Masaya kong sabi. Kinindatan niya lang ako, ay te? Hahaha. Feeling gwapings? Haha. "Oh tara na, badminton na." Pag-aya niya saakin. Tumango naman ako. Pinagbihis kami ng jersey short na pang badminton at jersey na pang-itaas. Ang yaman talaga ng GU, sila yung nag po-provide ng uniform at raketa. Intrams pa lang 'to ha? "Ready?" Tanong saakin nung coach.  Tumango naman ako at tumayo na. Kaharap ko ngayon ang magaling na Badminton player na patay na patay kay Grey, si Molly Sebastian. Kinakabahan ako, bakit siya pa? Di bale Mariese. Intrams lang yan, okay lang yan kahit matalo ka pa. Tumingin ako sa gilid para hanapin si Jin, halos lumuwa ang mga mata ko nang makita ko silang magkasama ni Grey. Anong ginagawa ni Grey dito? Tinignan ako ni Jin at nagtaas baba pa ang kilay niya na para bang nang-aasar, "Fighting Mariese!" Sigaw ni Jin. Nginitian ko lang siya at inilipat na ang tingin kay Grey na nakatingin rin saakin. Tinanguan niya lang ako, at nagsimula na ang game. Nginisian ako ni Molly at bahagyang sinulyapan si Grey at ibinalik ang tingin saakin, para bang sinasabi niya na "Back off! Akin lang siya!" Napalunok naman ako. Siya ngayon ang may hawak ng Shuttle c**k, tinira na niya iyon at inihanda ko ang raketa ko at pinalo ang shuttle c**k papunta sakanya, inismash naman niya iyon pabalik saakin kaya hindi ko natamaan. Nginisian niya ako. Pinulot ko ang shuttle c**k at tinira iyon papunta sakanya, this time hindi na niya ini-smash kaya nagpalitan kami ng tira, walang nagpapatalo saamin kaya ini-smash niya nanaman pero hindi ako nagpahuli this time, naging alisto ako at tinira iyon papunta sakanya at hindi niya iyon nasalo, dahil ini-expect niya siguro na hindi ko iyon masasalo kaya hindi siya nag ready. Bakas ang gulat sa mukha niya, naghiwayan ang mga tao at napa "woah" sila. Pinagpatuloy namin ang laban at mukhang badtrip si Molly kaya hindi siya makapag focus sa laban, sa bandang huli ako ang nanalo. Inalok ko ang kamay ko kay Molly sa ilalamim ng net pero tinignan niya lang iyon at inirapan ako. Umalis na siya bitbit ang raketa niya, nagkibit balikat na lang ako. Taray ni ateng. Napag desisyonan ko na puntahan na lang sina Jin, nakatayo na sila ngayon at mukhang hinihintay ako. "Wow! Ang galing mo Mariese, natalo mo Molly!" Proud na prod na sabi ni Jin. "Thank you," sabi ko. Tinignan ko si Grey na nakatingin rin saakin at nakapamulsa. "Nice game." Puri niya. Ngumiti ako. "Thank you," pasasalamat ko. "Teka bakit ka nga pala nandito?" Tanong ko sakanya. "Kasi gusto ko, may magagawa ka?" Taas kilay niyang tanong. Inirapan ko lang siya. Masyado 'tonf Grey na 'to! Kainis! "Ehegm! Bili lang akong tubig ha?" Ngising asong paalam ni Jin saamin. Tumango na lang ako at umalis na si Jin, kami na lang ni Grey ang nandito. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "Magbihis ka nga, ang sagwa mo tignan." Nakangiwi niyang sabi. Hayop talaga manlait tong si Grey e. Magsasalita pa sana ako nang biglang may lumapit saaming lalaki, hindi ko siya kilala. Siguro taga ibang section, nagulat ako nang bigla niya akong abutin ng Gatorade na color orange. Gulat ko siyang tinignan. "Akin yan?" Tanong ko sa lalaki, cute siya at mukhang mahiyain. Tumango siya at ngumiti. "Oo, ang galing mo." Puri niya saakin. Ngumiti ako pabalik. "Salamat," sabi ko at akmang kukunin ko na yung Gatorade sa kamay nung lalaking cute pero naunahan ako ni Grey. "Hoy bata, magaling siya kasi wala siyang sakit." Sabi ni Grey at hinawakan ang noo ko. "Oh see, hindi siya mainit." Sabi niya habang hinawakan ang noo. Hinawi ko ang kamay niya sa noo ko at masama ko siyang tinignan, ang rude niya. Napayuko naman yung guy at mukhang natakot kay Grey. "At isa pa, hindi siya umiinom ng Gatorade." Sabi niya at ibinalik yung gatorade sa guy, tinanggap naman iyon nung guy at namumula na siya sa hiya. "Grey ano ba!" Suway ko sakanya. Tinaasan niya lang ako ng kilay. "Alam mo yung best friend nito? Si Jin? Maganda yun at umiinom pa ng gatorade, kaya siya na lang ang bigyan mo." Sabi ni Grey at hinila na ako palayo. Nilingon ko yung guy and i mouthed 'sorry',ngumiti lang siya at tumango.  Nang makalayo na ako ay binitawan na niya ako. "Grey you're so rude! At excuse me lang, umiinom po ako ng gatorade." "Sinungaling!" Sabi niya. "Don't lie to my face Mariese, kasi noong umiinom ako ng gatorade sa bahay at inalok kita sinabi mo ayaw mo ng lasa. Ano, deny pa?" Napang-nga naman ako at hindi makasagot. Nginisian niya ako, "Magbihis ka na nga." Utos niya saakin. "Okay," sagot ko. "Bilisan mo, I'll wait for you." Sabo niya. Kumunot ang noo ko. "Bakit? Nandiyan naman si Jin, di mo na ako kailangang hintayin." Sabi ko. "Ang daldal mo! Para sabay na nga tayong magpunta sa basketball court e." Inis niyang sabi. Kumunot uli ang noo ko. "At ano naman ang gagawin ko dun?" Tanong ko. He rolled his eyes at parang nawawalan na siya ng pasensiya. "Maglalaro ako ng basketball Mariese!" Inis niyang sabi. "O tapos?" Nagtataka kong tanong. Sa totoo lang gusto ko siyang asarin pero alam ko naman kung ano ang gusto niyang ipahiwatig. "Bahala ka diyan, aalis na ko." Masungit niyang sabi at nag walk-out na, gusto ko talagang matawa. Haaay nako Grey, para kang bata. _____________________ Happy 1K+ reads! Thank you for supporting! Mwa!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD