Chapter 12

1343 Words
Nandito kami ngayon ni Jin sa gym at nakaupo habang hinihintay ang mga players. "Emeghed! Lalaban pala si Grey mo!" Kinikilig na sabi ni Jin. Tinignan ko siya. "Hindi ko siya pag-aari," sabi ko sabay inom ng tubig na binili ni Jin. "Asus! Ikaw Mariese," asar niya saakin. "Kayo ba ni Grey nag kiss na?" Mapang-asar niyang tanong saakin habang tumataas baba ang kilay. Pakiramdam ko nag akyatan ang lahat ng dugo ko sa mukha sa tanong ni Jin dahil biglang rumehistro sa utak ko yung ginawang paghalik saakin ni Grey. "A-ano ba namang tanong yan Jin!" Namumula kong sabi. Nginisian niya ako. "Ano Mariese, magaling ba?" Kinikilig niyang tanong. Sinamaan ko siya ng tingin. Mabuti na lang at nagsalita na yung announcer. "Please welcome the red team!" Announce niya at pumasok na ang Black Eternal kasama ang mga teammates nila. Nakita ko si Grey na naka jersey na number 3. Ang manly niya, pero salubong ang kilay niya. "Ay mukhang bad trip siya." Sabi ni Jin, nagkibit balikat na lang ako. "Grey! Go go go! You can do that! I'm just here for you!" Pag che-cheer ni Molly. Tinignan siya ni Grey at tipid na nginitian. Ay wow, kailan ka pa bumait kay Molly? Ngiting tagumpay naman si Molly at kaunti na lang ay mangingisay na. Sige lang Molly, push mo yan. Mukha kang tumira ng Milktea na may Ariel. "Ay gurl, taray. Nginitian ni Grey." Gulat na sabi ni Jin, hindi na lang ako sumagot. Lumingon-lingon si Grey na parang may hinahanap, biglang napadako ang tingin niya dito sa taas at nakita niya ako. Kinawayan ko siya. "You're here." He mouthed habang nakangisi. Tumango lang ako. Muntik na kong malaglag sa kinauupuan ko nang ngitian niya ako. "Emeghed!" Kinikilig na sabi ni Jin at pinalo ako sa balikat, tinignan ko siya at sinamaan ng tingin. "Aray naman Jin!" Reklamo ko, nag peace sign siya. Tinignan ko ulit si Grey na natatawa saamin. Maya-maya pa ay nag start na ang game, kapag nakaka shoot si Grey ay tinitignan niya ako at mag ta-thumbs up naman ako. "GO BABY GREY! I LOVE YOU!" pag che-cheer ni Molly pero hindi na siya pinapansin ni Grey, mukhang na dismaya si Molly at tinignan niya ako at inirapan. "Go Grey!" Pag che-cheer ko at hindi na lang pinansin si Molly. Sa bandang huli ay nanalo ang Red team, ang Black Eternal ang nagdala ng laro. Walang dayaan ang naganap, takot lang nila sa apat na Gangsters no. Bumaba na kami ni Jin sa kinauupuan namin dahil tapos na ang laro. "Omg, gabi na! Uuwi na ko," sabi ni Jin, kumunot ang noo ko. "Umuuwi ka na sainyo?" Nagtataka kong tanong. Ngumiti siya. "Oo e, ayoko na maging independent, medyo napapabayaan ko na kasi studies ko." Sabi niya. Ngumiti naman ako. "Osige, baka hinahanap ka na ng mommy mo." Sabi ko. Mayaman naman kasi itong si Jin e, sinubukan lang niya maging independent. Nagpaalam na siya saakin kaya ako na lang mag-isa. Para tuloy namimiss ko si Mama, kamusta na kaya siya? Tumingin-tingin ako sa gilid para hanapin si Grey, at nakita ko siya kausap niya si Molly. Inabutan siya ng tubig ni Molly, tinanggap naman iyon ni Grey at nginitian si Molly. Bakit ganun? Bakit parang naiinis ako! Hindi ako nakapagpigil at pinuntahan ko sila, "Grey uwi na tayo." Pag-aya ko. Sabay silang napatingin saakin, namilog ang mga mata ni Molly. "What did you say?" Gulat niyang tanong. "Inaaya ko na siyang umuwi," sabi ko at nag fake smile. Tinignan niya si Grey, "Baby, is that true? Nakatira kayo sa iisang bubong?" Tanong ni Molly kay Grey at pasimple akong umirap sa hangin dahil sa 'baby' Juice Colored, ang tanda na ni Grey, baby?! Ngumiti si Grey at tumango. Naluluha na si Molly, "N-nag li-live-in ba kayo?" Naiiyak niyang tanong kay Grey. "Of course not, she's just my maid." Sabi ni Grey, i felt a pang on my chest dahil sa sinabi niya oo nga pala. Maid lang ako. Ang mangiyak-ngiyak na mukha ni Molly ay napalitan ng ngising maldita. "Maid ka lang pala, akala mo naman kung sino ka." Mataray niyang sabi. Napahiya ako sa sarili ko, damn! Gusto ko na lang maglaho ngayon. "Molly." Marahang suway ni Grey. Tinignan ako ni Molly mula ulo hanggang paa. "Mag-isa kang umuwi, dahil may lakad kami ng boss mo. At linisin mo ng mabuti ang bahay niya ha? Ayoko kasing magkasakit ang baby Grey ko." Sabi niya at hinatak na paalis si Grey, kaagad na aking tumalikod dahil ayaw ko silang makita. Akala ko ipagtatanggol ako ni Grey, nagkamali ako. Nangingilid na ang mga luha ko kaya kaagad akong tumingin sa itaas, lumabas na ako ng University at pumara ng taxi. Pagsakay ko ng taxi hindi napigilang tumulo ng mga luha ko. Gusto kong sapakin ang sarili ko, bakit ba ako umiiyak? Sinabi lang naman ni Grey ang totoo e. I'm just his maid, ano bang nakakaiyak sa salitang yun? Nako Mariese, top two ka panaman! Tapos ang engot-engot mo! Tinignan ko ang phone ko para i check kung anong oras na pero lowbat ako. Nahihiya akong humarap kay Grey ngayon kasi pinahiya ako ni Molly sa harapan niya, ewan ko bakit ganito! Dati ay wala naman akong pakealam kahit mapahiya ako sa maraming tao, pero bakit ganun? Kay Grey lang naman ako napahiya pero bakit pakiramdam ko pinahiya ako sa harap ng lahat ng tao dito sa pilipinas? Sa pag-iisip ko, hindi ko namalayan na nasa harapan na pala ako ng unit ni Grey. Ang bilis ng t***k ng puso ko nandiyan na kaya siya? Sa palagay ko wala pa. Ka date niya si Molly ngayon e. Tumulo nanaman ang mga luha ko. Ano ba Mariese, itapon mo na nga yang mga mata mo! Masyadong ma drama e! Mag-eenter na sana ako ng passcode nang biglang bumukas ang pintuan ng kabilang unit. "Mariese," tawag saakin ni Adam, hindi ko siya tinignan nakayuko pa rin ako. Baka mamaya makita niya pa ang kadramahan ko. Nilapitan niya ako at hinawakan sa balikat, hindi ko napigilang mapahikbi. Kaagad niya akong hinarap sakanya at hinawakan sa baba. "What's wrong? Bakit ka umiiyak?" Worried niyang tanong. Umiling lang ako habang humihikbi. Niyakap niya ako bigla. "Ssh. Don't cry, I'm here." Pagtahan niya saakin pero imbes na tumigil ako ay lalo pa akong napapaiyak. "Tara sa unit ko, uminom ka muna ng tubig." Sabi niya at hinila ako papuntang unit niya. Pinaupo niya ako sa sala at nagtungo siya sa kusina, maya-maya pa ay bumalik siya na may dalang isang basong tubig at iniabot saakin. Ininom ko naman iyon at inilapag sa center table. "What's wrong?" Nag-aalala niyang tanong at pinunasan ang mga luha ko. "Wala to," sagot ko. He sighed. "Okay sige, hindi kita pipilitin na sabihin. Pero please, huwag ka ng umiyak." Marahan niyang sabi. "Sorry Adam, hindi ko rin kasi alam kung bakit ako umiiyak." Humihikbi kong sabi. Natawa siya ng bahagya. "Haay Mariese, you are so amazing." Sabi niya, kumunot ang noo ko. Baliw ba siya? Asan ang amazing dun? "Have you eaten?" Tanong niya. Umiling ako. "What do you want to eat, I'll cook for you." Nakangiti niyang sabi. Napangiti ako, ipagluluto niya ako. First time to. "Ayan, ngumiti ka na rin." Masaya niyang sabi. "Gusto ko ng tocino," sabi ko. "Mabuti na lang at meron akong stock, sige hintayin mo ako diyan ha? Manood ka muna ng TV." Sabi niya saakin. "Dito tayo kakain?" Tanong ko. Tumango siya. "Mm. Para mas enjoy," nakangiti niyang sabi at nagtungo na sa kusina. Gwapo si Adam, mabait, lalaking-lalaki ang dating isa siyang boyfriend material. Pero hindi ko alam kung bakit kay Grey ako nagkakaganito, hindi ko alam kung gutom lang ito kaya ako nagkakaganito kay Grey o baka dahil nababaliw na ako at kailangan kong mag pa check up. Pero siguro ang mas mabuting gawin ay baliwalain ko na lang to, kasi maid lang naman niya ako. Ang trabaho ko lang ay ipagluto, ipaglaba at ipaglinis siya. Matatapos din to, at makakabalik na ako sa normal kong buhay. ______________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD