Adam Aquino
Pinagmasdan ko si Mariese na ngayon ay natutulog na sa sofa. Ang ganda niya talaga, unang kita ko pa lang sakanya na attract na ako. Mukha siyang inosente at madali lang siyang masaktan. Alam ko naman na dahil kay Grey kaya siya umiiyak e, hindi ko nga lang alam kung ano ang dahilan.
Naiinis ako kay Grey, bakit siya pa ang unang nakatagpo kay Mariese? Sana ako na lang. Dahil hinding-hindi ko siya papaiyakin.
Binuhat ko na siya para ilipat sa kwarto ko. Doon ko na lang siya papatulugin at ako na lang ang sa sala. Nakatulog na siya sa panonood ng TV at sa kakakain, matapos kasi naming kumain nung request niyang tocino naglabas ako ng mga ibang junk foods.
Enjoy na enjoy siya sa pinapanuod niyang cartoons, nakakatuwa talaga si Mariese. Kakaiba siya.
Inihiga ko na siya sa kama ko at kinumutan. Napangiti ako nang titigan ko siya. "I'm glad that you're here, masaya ako na nakasama kita sa konting oras." Nakangiti kong sabi.
Nilapitan ko siya at hinalikan sa noo. "Good night, Mariese." Sabi ko at bumaba na sa sala. Iniligpit ko ang kalat namin at pinatay ang TV saka na ako natulog.
Kahit na sa couch ako natutulog ngayon ay masaya pa rin ako dahil nakasama ko si Mariese.
*
June Mariese Dizon
Nagising ako dahil sa tama ng sikat ng araw sa mga mata ko, umupo ako at inilibot ang paningin ko.
Teka. Hindi ko ito kwarto. Inalis ko ang kumot ko at bumangon na sa kama, bumaba ako at nakita ko si Adam na mahimbing na natutulog sa sala. Nakatulog na pala ako dito sa unit niya.
Nilapitan ko siya, gwapo pa rin siya kahit tulog. Ang swerte siguro ng magiging girlfriend niya, gwapo na mabait pa.
Lumingon-lingon ako sa paligid at nakakita ako ng mga papel at mga ballpen na nakalagay sa isang baso na may design, kumuha ako ng isang papel at isang ballpen at sumulat ako doon.
Thank you sa lahat Adam. :)
-Mariese
Lumabas na ako ng unit ni Adam at nagulat ako nang makita ko si Grey na naka itim na jacket at magulo ang buhok niya. Mag e-enter na sana siya ng passcode pero biglang napalakas ang sara ko sa pinto ng unit ni Adam kaya bigla siyang napatingin saakin.
Mukhang nagulat siya. Pero nang makabawi siya sa pagkagulat niya ay bigla niya akong nilapitan at hinatak papasok ng unit niya. Nang makapasok kami ay marahas niya ang binitawan.
Nakakatakot siya. He looks frustrated. "Buong gabi kasama mo si Adam?!" He hissed.
"B-bakit?" Nauutal kong tanong.
Napasabunot siya sa buhok niya. "Dammit Mariese! Bakit hindi mo man lang sinabi saakin?!" Sigaw niya. Akmang masasalita na sana ako pero nagsalita ulit siya. "You're not even answering my text! At hindi rin kita ma contact! Ano bang ginawa niyo ni Adam buong gabi ha?!" Nag-igting ang mga tenga ko sa narinig ko. Ano bang gusto niyang palabasin?!
"Wala kaming ginawa!" I hissed. "Kumain lang kami at nanood ng TV, yun lang!" Pag e-explain ko.
"Ano bang ikinagagalit mo?!" Inis kong tanong sakanya.
Napapikit siya ng mariin. "Alam mo bang buong gabi kitang hinahanap?! Inutusan ko rin ang mga tauhan namin para hanapin ka! Tapos nasa kabilang unit ka lang pala!" Mariin niyang sigaw.
"Bakit mo ginawa yun kung sa bandang huli pagagalitan mo lang pala ako! Hindi ko hiniling na gawin mo yun kaya huwag mong isumbat sakin!" Sigaw ko. "Sana pinabayaan mo na lang ako!" Dagdag ko pa.
"Hindi kita pwedeng pabayaan Mariese! And i did that because I'm worried about you!" He hissed.
"HINDI MO KAILANGANG MAG-ALALA SAKIN DAHIL MAID MO LANG AKO!" Sigaw ko at iniwan na siya, pumasok ako sa kwarto ko at ni lock ko iyon.
Sanang hindi na lang ako umuwi kung mag-aaway lang pala kami. Totoo naman ang sinabi ko, maid lang naman niya ako kaya wala siyang dapat ipag-alala sakin. Sakanya na nga mismo nanggaling na I'm just his maid.
Ang gulo. Ano ba 'tong pinasok ko? Sana hindi ko na lang natapunan ng McFloat yung phone niya, edi sana mayapa ang buhay ko. Baka siguro ngayon nakahiga lang ako sa apartment ko at nag-aaral at nagta-trabaho naman sa gabi. Edi sana hindi ako umiiyak ngayon, hindi ko nga alam kung bakit ako umiiyak e.
Ilang oras ang lumipas ay naisipan kong magtungo na lang sa banyo at naligo. Matapos kong maligo ay nagbihis ako at pinunasan ko ng kaunti ang buhok ko gamit ang towel pero hindi ko na nagawang patuyuin dahil gutom na ako. Isinabit ko na lang sa balikat ko yung towel at huminga ng malalim. Bahala na kahit magkasalubong pa kami ni Grey, basta gutom na ako.
Naka pajama na ako ngayon. Lumabas na ako ng kwarto ko at salamat naman at walang Grey na bumungad saakin. Naglakad na ako papunta sa kusina. Bubuksan ko na sana yung ref nang may yumakap mula sa likod ko.
Nagulat ako at na freeze sa kinatatayuan ko. Ang bilis ng t***k ng puso ko.
"G-grey.." Tanging nasabi ko na lang.
Yung isang braso niya ay nakapulupot sa balikat ko at yung baba niya naman ay nakapatong sa balikat ko.
"I'm sorry, Mariese." Marahan niyang sabi at lalong humigpit ang pagka-akap niya saakin. "I'm really sorry," dagdag niya pa.
I sighed. "Okay," tanging nasabi ko na lang. Inalis niya ang pagkakapatong ng baba niya sa balikat ko at tinignan ako, tinignan ko rin siya kaya ang lapit ng mga mukha namin.
Nakakunot ang noo niya. "Okay? That's it?" Kunot noo niyang tanong.
Iniwas ko ang tingin ko dahil nangangalay na ang leeg ko at naiilang na rin ako sa lapit ng mga mukha namin. Inalis niya ang pagkakayakap saakin at pinaharap ako sakanya.
"Are you still mad at me?" Tanong niya saakin habang nakahawak sa dalawa kong balikat.
Umiling ako. He sighed.
"About Molly, yung sinabi ko sakanya, I didn't know na ma o-offend ka. At-" I cut him off.
"Hindi mo naman kailangang mag explain e." Sabi ko.
"No, I want to explain." Sabi niya kaya pinabayaan ko na lang siya. "Like I was saying, hindi ko alam na ma o-offend ka pala. And about Molly, hindi kami nag date. Hindi ako sumama sakanya, pinagalitan ko siya because of what she did to you at nang balikan kita wala ka na." Pag e-explain niya.
"Hinanap kita sa buong campus, nag text ako sayo pero hindi ka nag reply, I called you pero hindi kita ma contact." Sabi niya. I feel guilty.
"Sorry, low bat kasi ako." Nakayuko kong sabi. Nag-angat ako ng tingin. "Kauuwi mo lang ba nung nakita kita kanina?" Nahihiya kong tanong.
Tumango siya. Lalo naman akong naguilty. "Sorry talaga Grey." Hingi kong tawad.
He smiled at kinuha ang towel ko sa balikat ko. Nagulat ako nang punasan niya ang buhok ko.
"Kalimutan na natin," sabi niya habang pinapatuyo ng buhok ko.
"Gutom ka na?" Tanong niya sakin. Tumango ako. Itinigil niya ang pagpunas ng buhok ko at isinabit yung towel ko sa leeg ko.
"Bumili ako kanina sa McDo, iinitin ko lang." Sabi niya. Wala sa sarili akong umupo sa upuan. At pinanuod si Grey. My heart is beating so fast at gusto ko ng uminom ng baygon dahil sa mga insektong nagwawala sa tiyan ko. Grey what are you doing to me?
_