Chapter 14

1963 Words
Grey Jushean Garde Malalim na ang gabi at ngayon pa lang ako pauwi. Kakagaling ko lang sa secret place namin. Kamusta na kaya si Mariese? Speaking of Mariese, I'm glad that we're okay now. I scolded Molly because she embarrassed Mariese infront of me.  That's ridiculous. Nakaramdam ako ng kaba noong hindi ko mahanap sa buong campus si Mariese lalo na noong wala siya sa unit ko. Iniisip ko na baka nag suicide na siya, don't get me wrong. Mariese is so fragile at madaling masaktan. At mukhang hindi naman siya sanay mapahiya, tahimik lang siya sa classroom at ang kadaldalan niya lang ay si Jin. Kung hindi pa nga niya natapunan ng McFloat yung phone ko ay hindi ko siya makikilala. I checked my phone and I have 3 messages. Fr: Mariese Nasaan ka? Fr: Mariese Nagluto ako! Kakain ka ba dito? Fr: Mariese May balak ka pa bang umuwi?! Napailing na lang ako at nagtype ng reply. To: Mariese Pauwi na ko. Nag ma send ko iyon ay nagpatuloy na ako sa paglalakad, hindi ko dala ang kotse ko. Naubusan ng gas, tang ina kasi ni Laxy e. Iyon pa ang ginamit para bumili ng alak. Natigilan ako sa paglalakad nang may maramdaman akong sumusunod saakin. I saw a shadow through my peripheral vision, nagtatago siya sa isang puno. Damn, nakainom pa naman ako ngayon. Ayos lang, kaya ko naman 'to. Ano ba ang pakay ng isang 'to? Isa ba siya sa mga tauhan ni Zeus? O ng Deadly Duos? Kingina, wala ba talagang magawa ang mga gangsters na yun sa mga buhay nila? Naglakad ako ulit at ipinasok ko ang isang kamay ko sa bulsa ko at kinapa ang isang 5peso coin. Kinuha ko iyon sa bulsa ko at inihagis sa tapat ng puno na pinagtataguan niya. Mabilis kong naglakad papunta sa kabilang side ng puno at presto nakita ko siya na nakahawak sa puno at nakatingin doon sa limang piso na inihagis ko. "Ngayon ka pa lang ba nakakita ng limang piso?" Sarcastic kong sabi dito. Awtomatiko naman siyang napatingin saakin. "Beautiful Man," gulat niyang sabi. Bigla ko siyang sinakal at isinandal sa puno. "Ako nga," nakangisi kong sabi. Sinubukan niyang manlaban pero mas hinigpitan ko lang ang pagkakasakal sakanya kaya walang siyang ibang nagawa kundi hawakan ang mga braso kong sumasakal sakanya. Pilit niya iyong tinatanggal pero mas lalo ko lang hinihigpitan ang pagkaka sakal ko sakanya. "Sino ka?" Matalim ang mga titig na ipinukol ko sakanya. "Ack! M-malapit na ang ack! K-katapusan mo!" Nahihirapan niyang sabi. Ngumisi ako. "Ah talaga? Baka naman yung sayo?" Sarcastic kong sabi. "Ack! M-mamatay k-ka rin!" Hirap na hirap niyang sabi at namumula na rin siya. I smirked devilishly. "Pero mauuna ka." Sabi ko at binali ang leeg niya. Binitawan ko na siya at bumagsak siya sa maruming lupa. Nag squat ako para tignan ang leeg niya, bahagya akong nagulat nang may makita akong tattoo sa leeg niya. Dalawang espada na naka ekis at may GS sa ginta nito na ang ibig sabihin ay Gangster Slayer, matapos ang sandaling pananahimik ay umaatake nanaman sila. Kailangan kong maghanda, pakiramdam ko ay lumakas na sila kaya umaatake nanaman sila. Akala ko ay natalo na namin sila dahil sa naganap na Gangster's victory party. Biglang sumagi sa isipan ko si Mariese, I need to protect her. Hindi pwedeng malaman ng mga Gangster Slayers na kasama ko siya sa bahay. Kailangang mag doble ingat. Biglang nagring ang phone ko, It's Mariese. I rejected the call, hindi ko siya pwedeng kausapin ngayon dahil baka may iba pang nagtatagong Gangster Slayer dito. Nagmadali akong tumakbo at pumara ng taxi, nag masid-masid ako sa paligid, mabuti naman at walang nakasunod. Nang makadating na ako sa unit ko ay nadatnan ko si Mariese na natutulog sa sala. Bukas pa ang TV at cartoon nanaman ang pinapanuod, napailing na lang ako at kinuha ang remote saka ko pinatay ang TV. Pinagmasdan ko siya habang tulog. Mahabang pilik mata, maamong mukha at makinis rin ang mukha niya. Ano bang gamit niya? Ponds? Dumako naman ang tingin ko sa ilong niya, ang liit at ang cute. Paano kaya siya nakakahinga? Bumaba ang tingin ko sa mga labi niya. She has a pinkish lips, I'm proud to say that I've tasted those pinkish lips before, so i can say na malambot ang pinkish lips niya. Piniling ko ang ulo ko, baliw na ba ako? Baka epekto lang 'to ng alak, medyo naparami kasi ang inom ko. Bubuhatin ko na sana siya pero bigla siyang nagising, kinusot niya ang mga mata niya at umupo siya mula sa pagkakahiga niya. "Saan ka galing?" Inaantok niyang tanong. "Wala, sa secret place lang." Sagot ko. "Amoy alak ka," sabi niya. "Ah siguro uminom ako?" Sarcastic kong sabi. Inirapan niya lang ako at tumayo na siya. "Kung gusto mong kumain nagluto ko, matutulog na ako. Good night." Sabi niya at naglakad na paalis. Dumeretso naman ako sa kusina, nagugutom ako e. Laging malinis dito sa unit ko, hindi katulad noon na palaging may kalat. Paano kaya kung matapos ang deal namin ni Mariese at hindi na siya magtrabaho dito? Ayoko munang isipin. June Mariese Dizon Nakahanda na ako para pumasok sa school pero si Grey ay hindi pa rin lumalabas ng kwarto niya kaya naisipan kong puntahan siya. Kumatok ako ng pintuan niya pero walang sumasagot kaya naisipan kong pumasok, good thing at hindi naka lock ang pinto. Pagbukas ko ng pinto nakita ko si Grey na nakadapa matulog at may takip na unan ang ulo niya. Nilapitan ko siya at tinapik sa balikat. "Grey, hindi ka ba papasok?" Tanong ko. "Mmmm." Ungol niya at mas lalo lang tinakpan ng unan ang ulo niya. Kinurot ko siya sa tagiliran kaya bigla siyang bumangon. "Aray f**k!" Sigaw niya at hinihimas-himas ang tagiliran niya. "Good Morning din," sabi ko habang nakangiti. Sinamaan niya ako ng tingin. "Bakit ba?!" Inis niyang tanong at humiga ulit. "Hindi ka ba papasok? Male-late na tayo." Sabi ko. "Hindi, masakit ang ulo ko." Sabi niya at pinikit ulit ang mata niya. "May sakit ka ba?" Tanong ko sakanya. "Wala, pumasok ka na. Mag taxi ka na lang." Inis niyang tanong. Nilapitan ko siya at hinawakan sa noo, may sinat siya. "Wala pala ha?" Sarcastic kong sabi. Minulat niya ang mga mata niya. "Umalis ka na at huwag kang lalapit sakin." Sabi niya at pinikit ulit ang mga mata niya. I felt a pang on my chest. Bakit ba siya ganyan? "Bakit ka ba ganyan?" Tanong ko. "Kasi ayaw kitang mahawa! Alis na!" He hissed habang nakapikit. Na misunderstood ko nanaman ang sinabi niya. "Bye," paalam ko at umalis na. Nagtungo ako papuntang botika, hini na lang din ako papasok. Kaya ko namang maghabol ng lessons e at isa pa wala gaanong lesssons ngayon dahil busy ang lahat para sa darating na prom. Bumili ako ng paracetamol at umalis na. Nandito na ako ngayon sa elevator, magsasara na sana ang elevator pero bigla itong bumakas ulit dahil may papasok. Bumungad saakin si Adam. I smiled. "Adam," sabi ko. Ngumiti siya at tuluyan ng pumasok sa elevator at tumabi saakin. "Kumusta? Hindi ka ba papasok?" Tanong niya. "Ayos lang ako." Sagot ko. "Oo hindi ko papasok, may sakit kasi si Grey." Bigla siyang tumingin saakin. "Ganoon ba? Ikaw ang mag-aalaga?" Tanong niya. Tumango ako. "Mm." "Ah sige," sagot niya at parang may pagka dismaya sa boses niya. Bakit kaya? "Okay na pala kayo no," sabi niya. Bigla naman akong napatingin sakanya. "Paano-" he cut me off. "Alam ko naman na kaya ka umiiyak dahil sakanya e, pero hindi ko alam ang dahilan." Pag putol niya sa sasabihin ko. Napakamot naman ako ng batok. "Hehe. Nga pala Adam, thank you noong isang gabi ha?" Sabi ko. Ngumiti siya. "Sus, wala iyon." Sabi niya. Ang cute ng ngiti niya. "Mariese, pwede ka ba sa saturday?" Tanong niya. "Prom namin sa friday e at sigurado ako madaling araw na kami makakauwi." Sagot ko. Nalungkot naman siya. "Sa sunday pwede ako." Sabi ko. Bigla namang nagliwanag ang mukha niya. "Talaga? Sige sa sunday ha?" Nakangiti niyang sabi. Tumango ako at bumukas na ang elevator kaya lumabas na kami. "Bye," paalam namin sa isa't-isa at pumasok na siya sa unit niya at ako naman ay pumasok sa unit ni Grey. Dali-dali akong dumiretso sa kusina at nagluto ng noodles, after kong magluto ng noodles kumuha ako ng isang basong tubig. Inilagay sa tray ang isang bowl ng noodles, isang basong tubig at yung gamot ni Grey. Umakyat na ako sa kwarto ni Grey mabuti hindi sarado ang pinto, nakabukas ito ng konti kaya sinipa ko yung pinto dahil sa dala kong tray. Nakita ko si Grey na ganoon pa rin ang pwesto, noong iniwan ko siya ganyan siya at nang balikan ko siya ganyan pa rin siya. "Tang inang lagnat 'to," dinig kong sabi niya, mukhang masakit na talaga ang pakiramdam niya. Kinapa niya ang phone niya sa side niya at may idinial siyang number. "Hello Klyde.... Oo hindi ako papasok.... f**k, anong gagawin ko may sakit ako, doctor naman ang parents mo hindi ba?...... Gago! Wala akong cancer! Lagnat lang!" Muntik na akong matawa, ibang klase si Klyde. "Pumunta ka di-" hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil bigla akong nagsalita. "Huwag mo na siyang papuntahin, nandito naman ako." Sabi ko. Awtomatiko siyang napatingin saakin. Gulat niya akong tinignan. "What are you doing here Mariese?" Gulat niyang tanong. "Huwag ka ng umangal kung ayaw mong kotongan kita." Sabi ko. "Hello Grey?! Nandiyan ka pa ba?! Patay ka na ba?! Saglit aasikasuhin ko na yung funeral mo." Dinig kong sabi ni Klyde sa kabilang linya. "f**k you level 999999, Klyde. Huwag ka pumunta dito bye." Sabi niya at pinatay na ang tawag. Nilapitan ko siya. "Breakfast in bed, boss." Sabi ko. He rolled his eyes. "Dapat pumasok ka," sabi niya. "Sus, kawawa ka nga kanina e. Inistorbo mo pa si Klyde." Pang-aasar ko. "Ewan ko sayo!" Masungit niyang sabi. "Kumain ka na nga lang para makainom ka na ng gamot," sabi ko.  Kumain naman siya. Tumayo na ako. "Saan ka pupunta? Papasok ka na ba?" Tanong niya. Umiling ako. "Hindi, hintayin mo ako diyan." Sabi ko at umalis na. Pumunta ako sa kwarto ko at kumuha ng dalawang bimpo, nagtungo ako sa kusina at kumuha ng palanggana at nilagyan ng maligamgam ng tubig. Umakyat na ako at nakapatong na yung tray sa drawer doon sa side ng kama niya. At nakahiga na ulit siya. Hindi niya pa nakakalahati yung noodles, ininom niya na rin ang gamot niya. Umupo ako sa side ng kama at nilagyan ng bimpo yung noo niya. Napadilat naman siya. "Hindi mo man inubos yung noodles," sabi ko. "Wala akong ganang kumain," sagot niya. Kinuha ko yung isa pang bimpo at hinilamusan ko ang mukha niya, leeg niya at mga braso niya. Nagulat ako nang bigla niyang alis ang bimpo sa noo niya at umupo siya mula sa pagkakahiga niya kaya natigilan ako sa pagpunas sakanya. "Bakit?" Nagtataka kong tanong. "Alam mo ba na nababaliw na ko ha?" Seryoso niyang sabi. Kumunot ang noo ko. "H-ha?" Bigla niyang hinawakan ang batok ko at sinakop ang mga labi ko. Nanlaki ang mga mata ko, hindi gumagalaw ang mga labi niya. Basta magkalapat lang ang mga labi namin. Ang bilis ng t***k ng puso ko at hindi ko alam ang gagawin ko, nag-iinit na rin ang pisngi ko. Hindi ako makagalaw at hindi ko rin alam ang gagawin ko. Na estatwa na ako sa kinauupuan ko. Pahinging baygon may nagwawala kasing mga insekto sa tiyan ko e. We stayed like that for a few minutes at pinaghiwalay na niya ang mga labi namin, humiga na siya ulit at natulog. s**t, paano siya nakakatulog? Samantalang ako ay hindi nanaman makakatulog mamayang gabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD