Ilang araw na ang lumipas at naging okay naman ang lahat. Hindi na naulit yung nangyaring pagpa-paulan ng bala saamin. Simula nung insidenteng iyon ay wala na ulit nangyaring kakaiba. Today’s saturday at nanonood kami ngayon ni Grey ng movie habang kumakain ng baked mac. Natigilan ako sa pagsubo ng baked mac ko nang may marinig akong mag doorbell. Akmang tatayo si Grey pero pinigilan ko siya. “Ako na.” sabi ko. Tumango naman siya at itinuon ulit ang panonood. Tumayo ako at chineck kung sino iyon. Pero wala namang tao. Isang box lang ang nandoon. Binuksan ko ang pintuan at kinuha yung box. “Sino daw?” sigaw ni Grey mula sa sala. “Wala. Box lang!” sigaw ko pabalik at binasa yung nakasulat. “Para sayo daw Grey!” sabi ko at sinara ang pintuan. Nagtungo na ako sa sala at pinuntahan siya.

