Pauwi na ngayon ako galing school. Naiwan si Grey sa school dahil may lakad daw sila nila GUN. Nang marating ko na ang destinasyon ko ay pumara na ako sa taxi na sinasakyan ko at iniabot ko na ng bayad. Imbes na dumiretso ako sa condo ay dumiretso ako doon sa isang café na malapit dito. Naakit kasi ako doon sa amoy at isa pa ang tagal ko na ng nag ke-crave ng frappé. Pumasok ako ng café at pumunta doon sa counter para um-order ng mocha frappé. "What's your name ma'am?" tanong nung lalaki. "Mariese." nakangiti kong sagot. "Sige ma'am tatawagin na lang namin kayo mamaya para i-pick up yung order niyo." nakangiti niyang sabi. Tumango naman ako. "Wow. Nice name." Paalis na sana ako pero nagsalita ang lalaking kasunod ko sa pila. Tinignan ko siya. He's tall at maskulado ang katawan. Map

