Chapter 7

1645 Words
"Nakita na daw si Yvonne? nasaan siya? Ang anak namin ok lang ba?" Nasasabik na sunod sunod na  tanong ko sa mga kausap ko.      "Pare, intayin natin si tito Roland. Maikling tugon ni Jonathan imbis na sagutin ang tanong ko.      Nagtataka ako, simpleng tanong lamang ngunit kailangan pang intayin si papa. Sinoklay ko ang aking buhok gamit ang mga daliri. Umaasa na maibsan nito ang inis na aking nararamdaman. Naka tatlong beses ko na iyong ginagawa ngunit hindi pa rin ito nawawala.      "Mahirap ba na sagutin ang tanong ko? Oo o hindi lang naman ang sagot doon... bakit kailangan pang intayin si papa!" Hindi ko na mapigil ang inis, frustration at galit ko.      Hindi sumasagot ang tatlo kong kaharap. Lahat sila ay umiwas ang tingin sa akin.      " Pre, magkape ka muna. Habang iniintay si  tito."       Tuliro ako na naupo. Hindi ko man lang magawang inumin ang kape na  inaalok ni Jonathan. I know something is wrong. Nanginginig ang mga kamay ko. Ayaw ko man isipin pero natatakot ako sa maari kong matuklasan. Its been three weeks  after her disapperance. Ano matutuklasan ko? Na nagsasama na sila noong batang pulitiko? Na  kasal na sila.. at totoo na pinagpalit na niya ako. Makikita ko ba sila ngayun na magkasama at makikipag usap sa akin? Malalaman ko ba na pina abort niya ang aming nak para makapag sama silang dalawa?      Those thoughts lingers in my mind...ang sakit naman, nakaka galit. Babalik ba ako sa dati, hirap maka move on. Bitter at galit sa mundo kasi iniwan ng mahal?       "Tito Roland!" Bati ni Jonathan sa aking ama na nagllakade papalapit sa amin at halatang kadarating lang. Ito ang pumukaw sa aking naiisip.      " Iwan nyo muna kami Than..." Paki usap ni papa sa aming mga kasama. Agad namang nakuha nila ang gusto ng aking ama. Agad silang tumayo at umalis. Bago umalis ay muling tinapik ni Jonathan ang aking balikat.      "Pa? I thought nakita na si Yvonne... what are we doing lets go na Pa!" Nagtataka ako sa ikinikilos ng aking ama.      " Drix, anak... before we  go to Yvonne, I would like to talk to you."      Nagtataka  ako sa ikinikilos ni papa. Did he despise Yvonne for leaving with another man?"      "Pa... were not sure kung totoong sumama si Yvonne dun sa lalaking iyon? Were not sure if all has been said about Yvonne is true or not.. lets just give her a benefit of doubt. I wont jusge her unti I rtalk to her." Depensa ko agad. Natatakot ako na sabihin ni papa na mag let go na lang ako. I cant do it... ayaw kong bumalik na naman sa walang direksyong buhay that I have lived before I meet Yvonne.      "Anak.. I am not judging her. Kung tinangap mo siya kung ano siya... kung mahal mo siya. Its your call. Andito lang kami ni mama mo to support you all the way. Ayaw lang namin na masasaktan o malulungkot ka." Madamdami9ng sabi ng aking ama.     "So what is this talk all about? Let's just go to Yvonne. I want to see her." I am becoming impatient.    " We will go there if you promised me something..."    "Pa?" naguguluhan kong tanong. Naiinis ako na para akong bata na bibigyan pa ng kundisyon para makuha ang gusto.     "If you promise me and your mama  na what ever you find out after this wont stop you from living your life. Ayaw na naming mangyari yung dati." Sabi ni papa  habang nakatingin siya sa aking mga mata.      " I promise Pa." Hindi ko maalis na magkaroon ng mga negative ideas na pumasok sa isip ko. Is Yvonne leaving me kaya ganito magsalita si papa?      After Papa heard what I said, tumayo siya at niyaya skong lumabas ng restaurant na iyon. Sa labas ay naroon si Jonathan na malungkot na naka tingin sa akin. Was it symphathy that I saw in his eyes? Kasama pa rin niya ang salawang lalaki na aming mga private investigators.      Naglakad kami papunta sa isang establishment sa hindi kalayuan. Lumalakas ang t***k ng puso ko ng makita ko ang sinage ng establishment na aming tinatahak.       Napatigil ako sa paglalakad. Tumingin akong may pagtatanong sa aking ama. Umiwas siya ng tingin sa akin at yumuko na lamang. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Nanlalamig ang buo kong katawan.       "Anak.. harapin natin itong magkasama.. but remember your promise." Malungkot na pahayag ni papa.      Mabigat ang paa, pumasok ako sa funeral parlor habang  naka akbay sa akin si Papa. Kasunbod pa rin namin si Jonathan at ang dalawang private investigators.      "Good morning po. I iidentify nila yung babae." Pagpapa alam ng isa naming kasama.      "Ay, okay po, pasok na po kayo, alam nyo naman po kung saan hindi ba, bahala na po kayo." Sagot naman ng staff ng funeral parlor na naka ternong black na pantalon at polo shirt.      Iginide kami papasok sa isang kwarto pag bukas ay mga alluminum bed na natatakluban ng puting kumot. Dumirecho ang ang isa naming kasama palapit sa isang bed na nasa pinaka loob nito.    Dahan dahan akong lumapit. Masyadong mabigat ang aking mga paa. Humigit ako ng isang malalim na buntong hininga. Ramdam ko ang pagsunod ni papa at ni Jonathan. Itinaas ko ang kumot upang hawiin ang pagkakatakip nito sa kung sino man.     Nabigla ako sapagkat hindi ko  makilala ang babae na nakahiga. Pagang paga ang mukha nito, panay pasa at halos lumuwa na ang mga mata. Puro pasa din ang mga braso at balikat nito. Kita ko rin ang mga paso ng sigarilyo sa mga dibdib nito at ang dalawang maliliit na puso na naka tato sa kaliwang dibdib nito.      Hindi ko na kinaya. Si Yvonne nga ang babaeng ito na naka higa na wala ng buhay at panay bugbog sa katawan. Isang sigaw ng daing ang aking pinakawalan kasabay ang mga luha na nag uunahang umagos.        Hinayayaan akong tumangis nila Papa. Sobrang sakit ng aking nararamdaman. Ang anak ko nawala na lang ng hindi ko naipagtangol. Hindi man lang nabigyan ng pagkakataong makita ang mundo. Sobrang sakit sa dibdib, para itong sasabog sa ano mang oras.       Ipinapangako ko na bibigyan ko ang anak ko ng hustisya sa sinapit nila ng kanyang ina. Kitang kita sa katwan ni Yvonne ang hirap na dinanas nito sa kamay ng gumawa nito sa kanila ng aking anak. Kung gaano yun katagal ay si Yvonne lamang ang nakaka alam.      Nag  mahimasmasan ako. Ay agad kong ipinag utos na bigyan ng maayos na burol si Yvonne.       " Na autopsy na ba? Alam na ba ito ng mga pulis?" Tanong kong wala sa sarili.       Sumagot ang isang detective "Sir, hindi pa po na pafinalized kasi ngayon lang po na identify ang body. Pero na autopsy na po."      " Anong findings sa autopsy?" Walang buhay kong tanong.    "Drix... some other time." Saway ni papa.    "No Pa, the time is now. Gusto ko ng malaman ngayun din." Malamig kong sabi.     " The cause of death is loss of blood sir...due to profuse bleeding due miscarriage secondary na po yung torture at rape."     "f**k!" Napamura na lamang ako at napasuntok sa dingding na malapit. Agad akong pinigiolan ni Papa at ni Jonathan.      Tulala pa rin ako, matapos mai ayos si Yvonne. Inilipat namin siya dito sa city at ibinurol sa isang memorial chapel.      " Tinabihan ako ni mama na agad ding dumating matapos malaman na dumating na sa maybila ang katawan ni Yvonne. Hindi  umalis si mama sa tabi ko at panay ang yakap sa akin.      Naging abala rin ako sa pagka usap sa mga kaibigan at kamag anak kong dumarating upang magpa abot ng pakikiramay. Nang magulat ako at may isang grupo ng ng mga kababaihan na humahagulgol na lumapit sa kinaroroonan ng katawan ni Yvonne.  Nakilala ko ang isa bilang kapatid nito na siyang aming kina usap at nagsasabi na nasa nasa ligtas na kalagayan si Yvonne. Hindi ko maalis na makaramdam ng pagka galit sa babae. Kung hindi nito sinalungat ang report namin na nawawala si Yvonne ay maaring iba ang tinakbo ng imbestigasyon. Makaraan ang mahabang saglit ay tumilil ang grupo sa  kaka hagulgol at tila may hinhanap. Dumako ang tingin ng babae sa akin. at itoy tuloyang lumapit.        "Kukunin ko ang katawan ng kapatid ko. Kami ang higit na may karapatan sa kanya ikaw ay wala." Parang walang sabi ng kapatid nito sa akin.       Tumayo ako at matiim na tumitig dito.      "Kulang pa ang palabas ninyo, kulang pa ang oras na iiyak mo. Habang buhay mong dadalhin sa konsenya mo ito." Gigil kong sabi dito.      " Abat... anong..." Hindi ko siya pinatapos.      "Kung hindi mo sinabi na nasa ligtas na kalagayan si Yvonne may nagawa pa sana ako upang iligtas sila ng aking anak. Kung hindi mo pinagpilitan na nasa maayos siyang kalagayan ng hindi man lamang pinapalabas sa kanyang kinakalagyan si Yvonne!"       Nagtatangis ang aking mga ngipin habang mariing sinasabi ito. Naramdaman ko ang pag yakap ng aking ina. Ngunit masusuntok ko lang ang ate ni Yvonne kung hindi ko ilalabas ang nasa loob ko. Pinapa alalahanan ko pa rin na babae ito.       " Meron bang mayos na nasa ganyang kalagayan? Ipinapangako ko sa aming anak... Hahanapin ko ang hustisya saan man ako makarating.. kung gaano man katagal at huwag kong malalaman na may kinalalaman ka sa nangyaring ito.. pananagutan ng kahit na sino ang pagkawala ni Yvonne at ng aming anak!"       " Hindi ko alam ang sinasabi mo. E di gawin mo. Basta kukunin namin ang kapatid ko at kami ang maglilibing sa kanya." Sabay talikod sa amin.        Hindi ako umalis sa aking kinaka upuan. Pinanuod kong ilabas ang labi ni Yvonne upang mailipat ng mga kamag anak.        " Paalam na Hon.. paalam na, paalam na rin aking anak. Pangako hahanap ako ng hustisya gaano man ito katagal pero hahanapin ko para sa inyo. Mananagot ang dapat managot. "       Ito ang huling pangako ko kay Yvonne at sa akiming anak.                               
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD