Munich, Germany
Kanina pa ako kinakabahan. Hindi ko maamin sa sarili ko na natatakot akong maulit ang lahat. Bumabalik sa aking ala ala ang katapusan namin ni Hailey. Ganito rin iyon hindi ko siya ma contact. msaya kami tapos biglang hindi ko na ma contact... tas wala na pala.
Cannot be reached si Yvonne!
Pag dating pa lang sa hotel na aming tinutuluyan ay tinawagan ko na agad si Yvonne.. pero ayun attended ang phone niya. I tried to convince myself baka naman low batt lang kya hindi ma contact. Reassuring myself na matulog mmuna at pagka gising ma co contact ko na uli siya. Pero wala. Lomipas ang maghapon wala pa rin.
Hindi ako mapakali talaga. Tinawagan ko ang pinsan ko si Jonathan.
" Pre... pasuyo naman hindi ko ma contact si Yvonne, pleaser pa check naman sa boarding house." Paki usap ko.
" Bakit si Yvonne pa ang papahanap mo? Eto oh... sa harap ko mismo si Hailey mo!" Malakas na sabi niya. Dinig kong nasa bar siya, maraming nag uusap at may tumutugtog na music. Umahon ang inis ko. Lalo pat hindi naman si Hailey ang kailangan ko ngayon kundi si Yvonne, worried ako sa kanila ng anak ko.
" Pre... paki puntahan sa boarding house si Yvonne ngayon na please its been more than 24 hours hindi ko talaga ma contact since umalis ako dyan. Please..." Paki usap ko.
"Ok sige, puntahan ko na ngayon. Twagan kita Pre..." Pagtatapos ni Jonathan sa tawag.
Hindi ako mapalagay hanggat hindi pa ako nakaka rinig ng balita mula kay Yvonne. Nag umalis ako para sa flight ko for Germany, inihatid pa niya ako sa airport. Nakiki usap na huwag na muna akong uimalis at mag leave pa muli. Pero alam kong hindi na ako papayagan ng airlines dahil katatapos lamang ng 14 days leave ko. Nag bakasyon kami isang beach sa Mindoro at napapa ngiti ako sa mga ala ala namin na sobrang saya.
Pagkalipas ng kulang isang oras, narinig ko na ang phone ko. Kinakabahan ako ng sinagot ko iyon napa pikit muna ako bago sumagot.
"Pre..." Si Jonathan.
"Wala dito pare, sabi nung mga ka boardmates ay kasama daw ng boyfriend. Kasama mo pala pre... bat pinapahanap mo pa sa akin, hehehe" Halata ko sa boses ni Jonathan na pinapa gaang lang niya ang balita niya. Kilala nito si Hailey, at alam nya ang nagyari at pinag daanan ko kay Hailey.
"Pre dont worry... i che check ko rin ang condo mo ngayun... hindi mo pa naman binabago ang passcode ano?" Tanong niya sa akin.
" Yes pre.. please...." paki usap ko.
" I'll can you again Pre..." Pamama alam ni Jonathan.
OLabis labis ang takot na nararamdaman ko... not gain God! Please.... Samo ng isip ko. Natatakot ako na mauwi din kami ni Yvonne tulad ng nagyari sa akin kay Hailey.. ganitong ganito ito. masaya kaming mag hihiwalay then afetr 24 hrours wala na, nawala na ang babaeng mahal ko pati ang pagmamahal nya. Huwag naman dahil ang hirap umalis sa impyerno na kinasadlakan ko ng iwan ako ni Hailey... si Yvonne ang tumulong sa aking maka limot.
Nag ring muli ang phone ko.. umaasang si Yvonne pero si Jonathan pa rin.
"Pare... sorry... wala talaga dito. Na checked ko na ang buong unit, walang tao. Sabi sa information wala din daw naghanap o dumalaw... sorry pare."
Hindi na ako nakapag pasalamat kay Jonathan. Kailangang kong i condition ang sarili ko. Hindi muna akoi dapat mag conclude dahil malaki ang responsibilidad ko sa trabaho. I have a plane to fly.. hindi na dapat mauna ang emosyon ko sa utak ko. Hahanap[in ko siya sa pag babalik ko ng Pilipinas.
Ika apat na araw na mula ng bumalik ako. Nag file na naman ako ng leave na sine save ko sana para sa panganganak ni Yvonne. Pero kailangan kong gamitin ang leave na iyon upang mahanap siya ng aming anak.
Nai report ko na sa pulis at sa NBI ang pagkawala ni Yvonne. Ngayong araw na ito ako nag follow up kasama ng aking ama na isang kilalang abogado sa bansa.
" Please be seated.. Atty. Sorriano... Capt Sorriano." bati sa amin ng hepe ng polisya.
Inabot ni Papa ang kamay ng Hepe, pagkatapos naman itong lumipat sa akin.
" Based doon sa aming mga nakalap na evidences ay sumama daw si Ms. Dela Cruz sa kanyang nobyo na isang batang pulitiko." mahinahon nitong simula.
Kung mahinahon siya ako ay hindi.. napatayo ako bigla sa galit.
" That cant be? magkaka anak na kami at magpapakasal. San nanggaling ang imformation na iyan! Libelous yan sir!" Hindi ko mapigilang magtaas ng boses.
"According doon sa family ni Ms. Dela Cruz, alam nila na makikipag kita ito doon s politician after ka niyang i hatid sa airport. She even called her sister at sabi ay kasama niya ang nobyo. Ganoon din ang sabi sa mga kasama sa boarding house." nanlaglag ang balikat ko at hindi ako maka paniwala.
" Na confirmed nyo ba doon sa politician kung magkasama sila?" I will not let go sa paniniwala ko na nawawala si Yvonne.
" HIndi po namin maitanong since sinabi naman po ng pamilya ni Ms. Dela Cruz na hindi ito nawawala at naka usap pa nila ito kahapon." Paliwanag muli ng aming kausap.
Hindio ako makapaniwala sa nangyayari....
Nagpasalamat na si papa at nagpa alam na sa aming kausap. Hinila ako ni papa na sumama sa kanya palabas ng police station.
Tulala akong nagpa hila na lamang kay Papa. Hindi ko na alam kung saan ako dinala nito matapos akong isakay sa kanyang sasakyan.
Nagulat na lamang ako ng nasa tapat na kami ng aming bahay. My parent's house... Ang tagal ko ng hindi umuuwi dito. Hindi ko na rin maalala kung kailan.
Agad akong sinalubong ni mama ng may pag aala ala.
"Drix anak.. halikat kumain na kayo ng papa mo. Sabay sabay na tayong tatlo. Iniintay kong tanungin ako ni mama o mag komento si papa. Pero wala silang sinabi.
Natapos ang aming hapunan ng tahimik at walang nag sasalita. Pag katapos ay umakyat ako sa aking kwarto. Tulad pa rin ito ng dati.. hindi pa rin nag babago. Ganito pa rin ang ayos nito noong akoy estudyante pa lamang.
Pagod ang katawan akong nahiga. Gusto kong mag isip ngumit walang pomapasok sa aking isipan kung anong susunod na gagawin ko. nakatulog ako marahil; sa pagod at pag aala ala sa aking anak at kay Yvonne. Sana ay ligtas silang dalawa ngunit iba ang paki ramdam ko.
Kinabukasan ay may dumating sa aming mga tao. Pinatawag ako ni Papa at ipinakilala sa akin. Mga private investigators daw ito na kinuha ng mga magulang ko upang mahanap si Yvonne.
"Sir... eto po ang kopya ng CCTV sa mga galaw ni Ms Yvonne ng umalis siya sa airport pagka hatis sa inyo. Sumakay po siya sa isang black audie sa bandang likoran ng kotse. Sa kuha na iyan mapapansin natin na kusa pong sumama si Ms. Yvonne sa kung sino man na may dala niyan. Ang plate number po ay nakapangalan kay Cong Nicco Gorospe." Umpisang paliwanag ng isa.
Tumatango tango si papa. Habang akoy para lamang naka lutang.
" Si congressman po ay dating ka klase ni Ms Yvonne at nobyo po niya. may mgha CCTV fotages din po na makikita sila na kumakain sa mga restaurant every other week po. Ipinakita sa akin ang mga dates na sinasabi nito na nagkikita sila. Nanlamig ako ng makita ang mga petsa. Ito ang mga petsa na ako ay nasa byahe.
Ayaw kong ispin kung anong ovious. Hindi ito ang bottom line dito... nawawala si Yvonne paalala ko sa sarili ko.
" So nasaan si Yvonne..." ang tanong ko.
Masasabi po namin na kasama siya ni Congressman ng araw na sinasabi nyong nawalan na kayo ng contact sa kanya. Pagkatapos po nito ay wala na kaming nakuhang ebidensya sa kinarooonan niya kung kasama pa ba niya si Cong o hindi na. Pero ang tiyak po namin ay may alam ang pamilya ni Ms. Yvonne."
" Paano nyo naman nasiguro?" Tanong ni papa.
" Bukod po sa pag kumpirma na kotse nga po iyon ni cong ung sinakyan ni Ms Yvonne ay ayaw na po nilang magsalita pa." Paliwanag ng isa pang detective.
Tumayo ako na hindi nag papaalam sa kanila. Lalong naging magulo. At ang isip ko ay naka depensa na na nagtatangol kay Yvonne.
Nagkulong muli ako sa aking kwarto. Muling nilunod ang sarili sa alak. Gusto kong makalimot, Ayaw kong mag isip...
Hindi ko mapigilan na i compare ito sa naka raan. Ganito rin ito... iniwan muli ako sa ere matapos akong mahulog. Pero kakaiba ito sa dati...may anak kaming pinag uusapan dito. Kaya ipaglalaban ko ito.
Kinabukasan, buo ang isip ko na maghanap. lahat ng ospital,pasyalan, mall, mga kalsada lahat ng maarimng puntahan ay aking sinuyod nagbabakasakali na makita ko si Yvonne.
Isang tawag ang pomukaw sa aking pag iisip.
"Papa Calling"
"Son... where are you?" tanong nito sa akin.
" Somewhere in Makati Pa...."
"Punta ka ng Pampanga anak.. I'll meet you there... andoon na si Jonathan. Nakita na si Yvonne."
Yun lang ang kailangan ko upang mawala ang aking pasanin... nakita na si Yvonne!
"How is she Pa.. our baby?" Tanong ko sa kabilang linya.
"I dont know anak, basta yun lang ang alam ko ngayon."
Pagkababa ko ng telepono ay agad kong pinasibad ang aking sasakyan patungo sa lugar na sinasabi ni papa. Inabot pa ako ng tatlong oras ng makarating sa sinasabing address. Isa iyong maliit na restaurant. Bumaba ako at nakita ko na ang kotse ng pinsan kong si Jonathan. Iginala ko ang mga mata ko upang hanapin ito. nakita ko itong nka upo sa mesa sa loob ng restaurant at abala sa kanyang telepono. kasama nito sa mesa ang dalawang tao na nakilala ko na mga detectives na aming inupahan na makita si Yvonne..
Napataas ang tingin nila ng maramdaman niya ang pag lapit ko. Agad nila akong kinamayan pag lapit ko. Si Jonathan naman ay tinapik ang balikat ko.
"Nakita na daw si Yvonne? nasaan siya? Ang anak namin ok lang ba?" Nasasabik na sunod sunod na tanong ko sa mga kausap ko.