" Babe..." Naputol ang malalim kong pag iisip at pag aalala para sa anak kong nasa operating room ng marinig ko ang tawag ni James. Mabilis kong binawi ang aking braso sa kanyang pagka hawak upang makuha ang aking atensyon. "Mama's here..." Malambing niyang sabi. Agad kong sinundan ang kanyang tingin at nakita ko si Tita Elizabeth na walang emosyong naka tingin sa akin. Lumapit ako sa kanya at binigyan siya ng isang tipid na ngiti. After all wala naman siyang ipinakita noon na masama s akin. Hahalikan ko sana siya sa kanyang pisngi ng patay malisya siyang umiwas at naupo sa sofa na parang walang nangyari. Walang kangiti ngiti sa kanyang mukha. Kakaiba sa tita Elizabeth na aking nakilala sa maraming pagkakataon. Very friendly at very warm na laging naka ngiti.

