Sinundan ko si Hailey ng lumabas ito ng pinto pagkatapos niyang magpaliwanag sa kundisyon ng aking katrabaho. Sa totoo ay gulat na gulat ako. Siya ba talaga yung nakita ko sa bar kagabi? Malayong malayo rin ito sa Hailey na aking kilala six years ago. Ang nakaharap ko ay isang very confident na Xania.Hindi ako makapaniwala... hindi man lang sumagi sa isip ko na magiging doktor ito.
" Hey... Are you alright?" Malambing na tanong ng lalaking naka doctor's gown din.This is the man from the bar last night yung Mike na pinakilala niyang husband.
" I have a D and C patient." Halata ko sa boses nya ang lungkot.
"Chear up! That's what I am telling you... Palit ka na ng specialization mag cardio-thoracic ka na lang.Bagay saiyo." Narinig kong sinabi ng lalaki habang hinahagod ang likod nito.
" Gago!" Sabay batok nya sa lalaki.
Hindi ko mapigilan ang selos na kumakain sa sistema ko. They talk so casual and yet so intimate and sweet. Hindi ko mai kakailana close sila ng lalaki.
" Ano bang ginagawa mo dito ha intern? Pakalat kalat ka." Si Xania muli.
"Just checking you out! "
" Baliw... Wag ka ng dumagdag.Masakit ulo ko."
" Hindi ba pedeng napadaan lang.."
"Anong oras ka umuwi kagabi? Mataray nyang tanong sa lalaki.
" Humihilik ka na kaya hindi mo namalayan!" Patudyo naman na sagot ng lalaki.
" Hangga din naman ako sa iyo..."
Humarap ang lalaki sa kanya.
"Mas lalo kang hahanga sa ka gwapuhan ko.... Sama ka kay John Hopkins!"
Nakita ko sa kanya kilos ang sobrang katuwaan.
'No kidding?' Halos pasigaw niya.
Umiling ang lalaki at nagtawa. Niyakap siya ni Xania. "I am happy for you!"
Nagyakap silang dalawa. Hanggang doon na lamang hindi ko na kinaya.
"I have to go pumpkin... see you around!" Dinig kong paalam ng lalaki.
"Take care MW... I love you!" Masayang paalam sa lalaki.
"You too MD... walang iyakan after the procedure ha... love you too!"
Doon ko na confirm na burado na ako sa kanya... burado na talaga ako sa aking Hailey. Worst wala akong idea bakit ba nabura. Why she have to change all of a sudden after one year of serious relationship with her.
Pumasok ako sa isang ballroom ng isang kilalang hotel. Dito gaganapin ang 18th birthday ng isang ka klase ko noong high school. I was invited to be one of the 18 roses. Iginala ko ang aking paningin sa kabuuan ng ballroom trying to see kung nasaan ang mga kakilala. I was halted ng makita ko ang isang babae na naka dark green cocktail haltered cocktail dress at masayang nakikipag kwentuhan sa isang grupo. Napansin kong may kumaway sa akin mula sa group na iyon. There were my high school friends. Lumapit ako.
" Hey, James! kamusta..." bati sa akin ni Marlo.
"Hi Bro, its good to see you again" Ganting bati ko habang nag fist bump kami. Bumati din ang iba. Lahat ay aking nakilala at namukhaan, maliban sa babaeng unang pumukaw ng aking atensyon.
" I'm sorry.. but you are?" Tanong ko sa kanya.
Humalakhak siya at matamis na ngumiti. Iyon lang ang kinakailangan upang bumagsak ang aking depensa. She got me smitten.
"Oh... it seems na physics and trigometry occupied most of of our senior year. kaya hindi mo man lang ako napansin, Mr. Salutatorian." panunukso niyang bati.
Natigilan ako...at walang nagawa kundi ngumiti.
Nang nagsimula na ang program at ang party. Hindi ko talaga maalis sa isip ko ang babaeng iyo. Lalo pat mayat maya itong natayo upang pagbigyang maisayaw ng mga lumalapit sa kanya.
"Hey.. Marlo.." bulong ko sa aking dating ka klase.
"oh.." Matipid niyang sagot.
"Whose that girl?" sabay turo ko sa kanta sa naka kulay green na babae.
natawa siya sa tanong ko.
"Pare, four years nating ka klase yan, bakit ngayon mo lang napansin? Palibhasa si Vivien ang apple of the eyes mo noon." Tukoy sa babaeng ultimate crush ko nung high school.
"Si Hailey Dela Pena yan bro. Yung maingay parati sa likod."
Tumago tango na lamang ako. Strange, dahil hindi ko talaga ma recall.
Pagkatapos ng tugtog,hindi na bumalik sa aming table si Hailey. Nagpasya akong lumabas sa outdoor garden sa hindi kalayuan. Napansin ko na marami rin ang nasa labas at nag sisigarilyo. Lumayo ako sa umpukan na iyon at pumili ng isang lugar na walang tao.
"yes dad, Just one hour more. Thank you po." narinig kong sabi ng kung sino sa tabi ko. To my surprise, si Hailey iyon. Agad akong tumikhim to start a conversation.
"Your dad?" bati ko sa kanya.
"Yes." Sagot nya sa akin na naka ngiti.
Ayun na she got me! I am captivated sa kanyang ngiti.
Hindi na kami pumasok muli sa ballroom, nag kwentuhan na lamang kami sa loob ng isang oras, hanggang namalayan namin na tapos na pla ang gabi para sa kanya.
" James, I think I have to go..." Paalam niya.
"Ihahatid na kita." I offered her.
"No need, my dad asked someone to fetch me. I think nasa parking na iyon." Pagtanggi niya.
"Then kahit sa parking lang." Patuloy ko. Ngumiti lang siya bilang pag sang ayon.
" Can I have your number Hailey?" Trying my luck, habang papunta kami sa parking lot.
"Oh... I cant. Wala na akong gagamiti kung ibibigay ko sa yo." pagbibiro niya.
"Seriously..." Paki usap ko. and all of a sudden..
"09X-XXX-XXX-XX, good night!" naka ngiti niyang sabi, sabay paalam patungo sa sasakyan nag hihintay sa kanya.
Napangiti ako doon.It wont be the last time babe...
Yun na yata ng pinakamatagal na thirty minutes ko. Bago ko dinial ang number na sinabi nya. nag ring iyon, hindi ko mapigil na ngumiti. After ng ika tatlong ring isang malabing na boses ang narinig ko.
"Hello..."
"Hi Hailey, it's me James.." Pagpapakilala ko. narinig ko ang marahang pag tawa niya sa kabilang linya.
"I am Impressed James Sorriano! Natandaan mo ang number ko. Alam mo ba na ikaw ang unang naka gawa niyan?"
" I am flattered at impressed ka sa akin Hailey..." Inabot pa ang usapan na iyon ng isang oras. bago kami tuluyang mag pa alam sa isat isa.
We became constant text mates. I also called very often. It took me about a week at hindi na ako naka tiis. And I asked her out. She gladly says yes.
It's the first time I fetched her at her school. Mas lalo akong na inlove sa kanya. bagay na bagay sa kanya ang uniform niya. Para siyang diwata.. a fairy sa aking paningin.
We just went malling and kumain lang sa fast food, very simple date dahil yun pa lamang ang kaya ko from my allowance. But I promised myself na mag le level up ako. In fairness to her masaya naman siya at contented kahit ganun ka simple lang ang kaya ko.
Ang first date namin ay nasundan pa ng nasundan. Aside from being constant text mates and phone pals we became close at mas lalong nahulog ang aming loob sa isat isa.
"Hailey.. will you be my girlfriend?" lakas loob na tanong ko sa kanya isang araw habang nakain kami sa fastfood.
She smiles at me na parang mapuputol yata ang pag hinga any moment sa suspense.
"Yes, I will James..."
I swear, I was one of the luckiest man alive!
Lalo pa kaming naging close sa isat isa after nya akong sagutin. Gusto ko araw araw kaming nagkikita. Ang sacrifice ko sa kanya ganun na lamang... I am in my condo in Paranaque kasi malapit yun s school ko. She's studying in the university belt ang layo. But I made a point na masusundo ko siya sa hapon and just spend an hour with her is more than enough kahit pa na ang travel time ko back and fourth ay 4 hours. Anyway... lahat gagawin ko for my queen.
After eight months of being steady once ko lang siyang hindi nasundo. Kasi I fell sick. I told her that I cant. She asked me where am I. I told her I am in my condo in Paranaque. She was so surprised to know. She asked me the exact address and I told her. I was surprise to find her in my door step.She is so lovely in her white uniform as always.
She took care of me until my fever went down. I told her to go home but she refused.
"Ayaw mo ba na naririto ako?" nagtatampong tanong niya sa akin.
"No Babe.. pero malayo ka uuwian mo, mag aalaala ako sa iyo pag uwi mo." Paliwanag ko.
"Tumawag na ako sa bahay. I told them I have a sleep over para sa group study." Pilya niyang ngiti.
"Bad girl!" Saway ko sa kanya. Sa totoo lang natatakot ako baka hindi ako maka pag pigil. We are still young at 20. Kahit pa sabihing graduating na siya. Akoy fourth year na rin but still have another year left before I finish Aviation Engineering.
At tulad ng kinaka takutan ko... nadala kami sa tukso. I was the first man in her life... and so is she.
"I love you babe..." bulong ko."
"I love you more.. sagot nya."
Ang "group study" na iyon ay hindi nagtapos doon lamang. napapadalas pa iyon.
" Babe... will you marry me after my graduation?" Tanong ko sa kanya pagkatapos naming pagsaluhan ang isang mainit na pag niniig. nakita ko siyang ngumiti ng malapad.
"Babe...of course Babe! I thought you will never ask!" Tuwang tuwa niyang sabi sabay halik sa aking labi. Sapat na ang halik na iyon upang maulit ang maiinit na tagpo na aming pinagsaluhan.
"Good morning Babe!" bati niya sa akin kinabukasan. Maaga ba wla pang six, but she's already up. kailangan pa niyang mag commute papuntang university belt para maka abot sa first class nya at 8. Eight din ang klase ko pero malapit lang naman ang school ko kaya mamaya pa ako gagayak.
Niyakap ko siya ng mahigpit mula sa likod... as I wisperred "I love you!"
"Ay ang tamis..."palatak nya. " I cant wait to be Mrs. James Henddrix Sorriano!" Masaya niyang sabi.
" Mee too..." At siniil ko siya ng isa pang maalab na halik. kapwa kami hinihingal ng kami ay mag hiwalay. Kailangan kong mag control kundi ma le late siya sa klase.
"Babe... are you free on Saturday night?" tanong ko.
"Yes, wala namang pasok.Sa bahay lang ako Babe." nakangiti niyang sabi.
Isa ito sa nagustuhan ko sa kanya. Hindi siya outgoing at nag paparty with friends sa weekends. Lagi lang siyang nasa bahay.
"I would like you to meet my mother over dinner. Will it be alright?" nag aalalang tanong ko.
"Anything for you Babe!"Naka tawang nyang sabi.
Saturday Night comes. Excited na akong makilala siya ni Mama. My father was out of town during that time kaya wala siya. Yung sister ko naman ay busy naman sa kanyang mga kaibigan. So it will only be me, my mom and Hailey. Nag text na siya na nasa labas na, kaya nagpa alam ako kay Mama na susunduin ko lamang ang girlfriend ko.
"Babe.. will she like me. Natatakot ako na baka hindi niya ako magustuhan." Nag aalalang tanong nya sa akin habang hawak ko ng mahigpit ang kanyang kamay.
"She will like you.. she's so excited to meet you!" Bulong ko sa kanya.
"Mama... I would like you to meet my girl... Hailey." pakilala ko sa kanya kay mama.
"Hailey she's my mother, Elizabeth Sorriano." Pagpapakilala ko naman kay mama.
My mom hug her and like her instantly.
" I never knew that you are this beautiful!" bati ni mama sa babaeng mahal ko.
"Thank you po maam.. kamusta po." nahihiyang bati naman ni Hailey. natutuwa akong pinagmasdan ang dalawang babae na mahalaga sa buhay ko.
"Tell me Hailey, what's your plan after your graduation? I heard final sem mo na ito." Tanong ni mama habang nakain kami.
" I planned to take a job po tita, para hindi naman po masayang ang effort ng parents ko." naka ngiting sagot ni Hailey sa tanong ni mama.
" Ayaw mo na bang mag aral to pusue post graduate course? I heard Microbio ang course mo, wala ka bang balak mag pursue ng medicine?"
"Wala po akong hilig doon. Yung course ko po was only a suggestion from my Dad." nahihiya nyang sabi.
" Kailan mo ipapakilala si Drix sa parents mo?" nagulat ako sa tanong ni mama. Sinaway ko siya.
"No its okay, " Pigil sa akin ni Hailey.Sabay hawak at pisil ko sa kanyang kamay.
"After graduation po tita, as of now po gusto ko po munang mag focus na matapos yung course ko for my parents po.Though I dont think po na tututol sila sa relationship ko but I just want to do it in an orderly manner."
Natapos ang aming dinner na yun ang my girl has my mom's approval!