Its been a year when I last saw James. Hindi ko alam na after that day in the hospital I will be back to step 1. Lahat ng effort ko for the last six years ay nawalang parang bula. I still love him.. that is a realization. But the memory of him brought out the pain of loosing my child. Hindi maaring siya lang ang maalala ko, ang pagtataksil nya pati ang pagkawala ng anak ko. The pain hurts big time.
Pinapagod ko na lamang ang sarili ko sa trabaho. One more year, tapos ko na ang residency ko. Pag hindi ako dalawin ng antok I go out and have fun. Maraming pa ring nagtatangkang manligaw. But I always shut them out. mas malungkot lang ngayon. I am alone. Nag medicine na rin kasi ang kapatid ko sa Maryland.
During summer, we were asked to go home to the Philippines. kahit na combined effort namin ni Xander nabali wala iyon dahil galit na ang parents namin. Kaya wala kaming nagawa. Anyway two weeks lang naman iyon for the 50th anniversary ng pharma company namin. We are also asked visit and help with our hospital. magandang bentahe nga naman pag me mga doctors dun na graduate abroad.
"Xania... your going to have your first patient!" Excited na balita ni ate Xandy the moment I step in sa clinic nito."
Its been three days ng dumating kami ni Xander ng Pilipinas. He succeded not to go out of the house, but I miserable failed kaya naisama ako dito sa hospital namin.
"Patient mo ate?" Tanong ko sa kanya.
Umiling lang siya.
"VIP, future daughter in-law ni tito Roland." Tukoy nito sa aming family friend/lawyer. Hindi ko ito masyadong kilala but I have meet him several times sa bahay noon.
"Ok.. sa CR lang ako, puputok na pantog ko!" nagmamadaling paalam ko sa kanya."
When I was about to finish my business in the CR I heard a woman's voice. Mukhang dumting na ang patient ko.
"Binigla mo ako tita.. Congratulations!" bati ng kapatid ko.
"Mas nabigla ako... akala ko hindi seryoso si Drix, kasi me something yun dun sa first love!" napapangiti ako sa chismisan ng dalawa.
"E buntis na ah..." May panunukso sa boses ng ate.
"Kaya ko nga ipapa check up to confirm.. saka pede na bang i DNA yun?" halos pabulong na sabi ng ginang na ikinatawa naman ng ate.
"Hello po..." bati ko, para ipa alam ang aking presensiya sa dalawa. Hindi ko maikaka ila na close ang dalawa sa isat isa.
"Tita Beth... si Xania, sister ko po na OB sa States." Pagpapakilala sa akin ni ate.
"Hello.. Iha..." bati niya sabay harap sa akin. Pareho kaming nabigla. Siya ang mama ni James!
"Do we met before Iha?" Taka niyang tanong sa akin. Ako naman ay hindi malaman kung tatango o ngingiti.
"I think not tita. She's been to the State for seven years, nag self exile yan doon, nursing a broken heart!Noon naman na naririto yan walang kahilig hilig yang lumabas." Natatawang paliwanag ng ate ko.
"But I definitely meet her somewhere." pagpupumilit nito.
"Kayo po ba ang patient?" Tanong ko pag iiba ng usapan.
"No... yung fiancee nung anak ko. Pregnant daw. She will be here any moment." Sagot naman ng ginang sa akin.
"Ikaw tita ha... panunukso ni ate.
" Kung pede lang bang maki alam... ayaw ko talaga!" She made a face. Ganoon ba rin siya sa akin dati? Hindi ko mapigilan na itanong sa sarili ko.
"Gusto ko yung unang ipinakilala sa akin, classmate nya nung high school.Very simple saka ang gaang ng loob ko. Walang pretensions. Lahat ng itanong ko ang sagot laging me respect para sa family.I know she will be a great wife and mother. Akala ko na nga iyon na e. Kasi sabi papakasal sila after Drix gradute." Kwento nito na halos magpasamid sa akin sa laway ko.
Is she talking about me? Imposible baka yung si Carla. Hindi ba iyon din ang sabi sa akin noon.papakasal sila after his graduation.
"What happened ba tita?" Gusto kong batukan ang ate ko sa sobrang pagka chismosa.
"Ewan nga ba ... Wala pang isang buwan after I meet her, napabayaan na ni Drix ang sarili at pag aaral. Iniwanan daw nung girl na walang sabi. He flank all his subjects during that sem kya nag extend pa ito ng isang sem sa college. Sayang running for c*m laude pa naman siya noon."
Bumuhos ang awa ko kay James. Hindi ko rin alam kung saan galing yun. nalilito ako sa naririnig ko.
"Are you sure, this is the first time na nagkita tayo....you are really famiiar..." Muling tanong ng ginang.
"Hindi ba Xania classmate mo si Drix nung high school, baka alam mo what happened.. kilala mo ba yung girl?" Biglang tanong sa akin ni ate. Nasamid ako bigla. nakatingin sa akin ang dalawang babae sa anticipation.
"Ahh... si Carla... hindi ko kilala yun.."
"Sinong Carla?" sabi ng mama ni James.
" ahhh.. stalker yun ni Drix for years... hindi iyon.. she hated that woman!" Hindi ko alam ang sasabihin ko, ang mga mata nito ay may halong pagtatanong.
Napanguiti ako at nagpasalamat na lamang na may narinig kaming kumatok sa pinto. Iniluwa nito ang isang babae, maganda ito, medjo may pagka sofisticated, hanggang taas ng tuhod ang dress na suot nito na body hugging. nakalugay ang mahaba nitong buhok.
"Good morning!" bati nito.
Ngumiti ang ginang at sinenyasan nito na lumapit sa kanya ang babae.
Drs. Xandy, Xania... this is Yvonne my future daughter in law..., Yvonne these are Drs, Xandy and Xania, close family friends."
Ngumiti ng pagka tamis tamis ang babae. naramdaman ko naman na sincere siya doon.
"Hello, nice to meet you both. Punta kayo sa kasal namin ni Drix ha... huwag kayong mawawala."
" You can count on that!" sagot naman ni ate.
Ngumiti ang babae. "Ikaw Dr Xania...punta ka ha!"
"B-babalik na ako sa States next week, sorry.. halika na check up na tayo."
I was not comfortable habang chineck up ko siya...naiingit ako sa kanya. At ayaw ko mang aminin sa sarili ko nasasaktan ako. narito sa harap ko ang babaeng mahal na ng mahal ko.
" Your ok.. the baby is doing great too. Seven weeks old..." May bumara sa aking lalamunan. I tried to compose myself. Professional ako, paalala ko sa sarili ko.
"Doc.. may asawa ka na ba? Ang ganda mo." Puri sa akin ni Yvonne.
" Muntik na, kung nagsalita lang yan dati kay Dad seven years ago. Baka lahat ng shutgun sa Pilipinas binili noon para sa kanya." Natatawang birong totoo ni ate. Gusto ko siyang batukan.
"Bakit shutgun wedding ba dapat?" natatawang sabi ni Yvonne habang nagbibihis ito mula sa suot na hospital gown. "Hindi naman yata kapani paniwala sa ganda mong yan."
" Next topic pleasee... baka tumubo na ang pakpak ko at lumipad na ako pa America ngayun din!" Biro kong totoo.. naiinis na ako sa ate ko!
"Wag ka kasing duwag sis... harapin mo na kasi... or move on na daming nababaliw sayo." Sabay kindat!
Napansin yata nila ang pananahimik ko kaya iniba na lang ni Tita Beth ang topic. Marami pang napag usapan sa pagitan naming apat. masayahin talaga ang mommy ni James. Nag magpapa alaman ay bumeso ito sa akin at yumapos. Ngunit bago nya ako pinakawalan ay may tinanong siya na naghatid ng lamig s buong katawan ko.
"Xania... are you sure Xania... not Hailey?" paniniguro nya.
"She's actually Hailey Xania Dela Pena, tita." Sagot naman ng kapatid ko. Pagka dinig nya yun, muli siyang yumakap sa akin at ibinulong...
"So sorry... hindi ko alam." Yun lang at malungkot siyang tuloy tuloy na umalis kasunod si Yvonne na mukhang naguluhan sa pagbabgo ng mood ng magiging biyenan.
Maging ako ay nalungkot din sa encounter namin ng ina ni James. malungkot akong napatingin sa sahig.
"Xania.. can you please explain what is that all about?" Marahan ngunit may diin ang bawat salita ni ate Xandy.
Hindi ko na napigilan ang aking luha. Napansin nya ito at akoy niyakapa habng ako ay naka upo. Unay patak patak lang hanggang sa namalayan ko na lamag na akoy humhikbi na hanggang sa tuluyang humagulgol. Ang kinikimkim kong galit, sama ng loob at awa sa sarili ko at sa aking anak ay bigla na lang sumabog palabas. Hindi ko alam kung hanggang gaano ako katagal na nasa ganoong ayos ng akoy kumalma.
"You feel better?" tanong sa akin ni ate.
"Yes.. thank you." sagot ko.
"Its my fault ate... I realized that only now... I lost my baby.. I lost him."
" Bakit hindi mo siya kausapin at least magka closure kayo. I think you need that. To put all the past behind." Payo niya sa akin.
" What for ate... he was mine. But I don't trust him enough. I lost my child.. I lost him...He was the one that got away. I had him.. but I lost him.