HINDI NA NAGAWA PANG tumanggi ni Lou. Kahit may kaba at takot na nararamdaman ay nagawa pa rin niyang makipagselfie sa mga babae. Pagkaraan ay patakbo na silang nagpaalam sa mga ito. Nagmamadali rin silang sumakay ni Marivic sa sasakyan. At dali-dali nang binuhay nito ang makina. Halos paliparin ni Marivic ang sasakyan palayo sa lugar na iyon, "Grabe, nakakatakot sila!" Komento nito. "Kung natakot ka, paano pa ako?" Kabadong turan naman ni Lou. "Paano ka ngayon? Ano'ng plano ngayon?" Biglang tanong ni Marivic. "Wala naman akong choice kungdi panindigan ang pagiging Aya Delos Reyes!" Malungkot na sabi Lou na malaki ang pagkakadismayang naramdaman. "Magagawa mong pakasalan si Taru sa katauhan ni Aya?" Paniniguradong tanong pa rin ni Marivic. Hindi na nakakibo si Lou, nagpakawala na

