bc

The Song Of Us

book_age16+
16
FOLLOW
1K
READ
family
HE
campus
soul-swap
like
intro-logo
Blurb

HIGHSCHOOL PALANG si Lou ay pangarap na niyang maging isang singer at sumulat ng mga kanta. Kaya naman laking-tuwa niya nang may isang taong handang turuan siya. Si Taru. Ang secret crush niya. At ito rin ang kanyang magiging first boyfriend. Pero naudlot ang kanilang love story dahil bigla na lang nawala si Taru na parang bula matapos nitong makausap ang Mama ni Lou.Tatlong taon ang lilipas, maririnig ni Lou ang nilikha niyang kanta sa isang sikat na singer na si Aya. Wala siyang ideya kung paano napunta kay Aya ang kantang iyon ganoong siya ang sumulat nito. Para masagot ang gumugulo sa kanyang isipan, napagdesisyunan ni Lou na pumunta sa Lyrica Company para magfile ng reklamo at paratangan ng Plagiarism Case ang management na humahawak kay Aya. Pero sa mismong araw na tumungtong ang mga paa ni Lou sa naturang gusali ng Lyrica ay saka niya muling nakita si Taru. Pero nag-iwan lang matinding sakit kay ang muli nilang pagkikita na dalawa. Kaya naman matapos nilang mag-usap ni Taru ay hinayaan muna ni Lou ang kanyang sariling na magpakalasing kasama ang mga kaibigan niya. Pero iyon rin ang magiging dahilan para masangkot siya sa isang aksidente. Sa pagdilat ng kanyang mga mata, nasa ibang katawan na siya. Nasa katawan na siya ng babaeng iniidolo niya. Si Aya.Wala siyang ideya kung bakit sa dami-daming katawan na pwede niyang saniban, bakit sa katawan pa mismo ng kanyang iniidolo? Ano ang ugnayan nilang dalawa ni Aya?

chap-preview
Free preview
Prologue
ISANG HALIK…. Sabi sa alamat, halik ng isang dalaga ang tanging makakapaggising sa misteryosong prinsipe na mahabang panahon nang natutulog sa isang mahiwagang kastilo. Marami nang kababaihan ang nagtangkang hanapin ito. Pero tanging ako lamang ang matapang na humarap sa malupit na mangkukulam na siyang nagbigay ng sumpang bumabalot sa buong kaharian. Gamit ang espandang minana ko pa mula sa aking Amang Hari ay nagawa ko nang saksakin sa mismong puso ang naturang mangkukulam. Humandusay ito sa maalikabok na sahig. Duguan. At nangingisay-ngisay pa habang unti-unti nang nalalagutan ng hininga. Nang masiguro kong wala na itong buhay, saka ko na naisipang hanapin ang kinaroroonan ng prinsipe. Hinalughog ko ang bawat sulok ng kastilo. Halos lahat ng silid roon ay aking pinagbubuksan. Wala akong pakialam kung puno man iyon ng mga alikabok, makita ko lamang ang prinsipeng matagal nang naghihintay sa akin. Nakarating na ako sa pinakaitaas ng kastilo kung saan may nakita akong isang silid. At hindi na ako nagdalawang-isip na bukas iyon. Nang sumilip ako sa loob ay nakita ko ang prinsipeng mapayapang nakahiga sa kamang pinalilibutan ng mga tuyong sanga ng rosas. Humakbang na papasok ng silid ang mga paa ko. Nilapitan ko ang prinsipe. Sinimulan ko siyang pagmasdan. At hindi ko maiwasan ang mamangha rito dahil para lang itong isang anghel na natutulog na walang kamalay-malay sa mga nangyayari. Napakaamo ng mukha nito. Matangos ang ilong. Mahaba ang mga pilik-mata. At mamula-mula pa ang mga labi. Sinubukan kong hawakan ang kamay ng prinsipe upang suriin kung may buhay pa ito. At saka ako nagpakawala ng matamis na ngiti nang makaramdam ako ng init na nagmumula sa palad nito. “Ang lambot at ang bango, amoy-rosas!” buong pagkahanga ko. Parang wala na nga akong balak na bitawan ang kamay nito hanggang sa isang pamilyar na tinig ang narinig ko “Mahal na Prinsesa…” sabi ng boses ng isang lalaki, “…Ang halik mo, Mahal na Prinsesa. Ang halik mo lamang ang tanging paraan upang magising ang Mahal naming Prinsipe.” “B-big brother?” tanong ko habang panay ang paglinga-linga sa paligid. Iyon ang natawag ko sa misteryosong tinig dahil kaboses nito iyong boses sa isang sikat na reality show. Hindi rin naman lingid sa kaalaman ko ang tungkol sa sumpang bumabalot sa Mahal na Prinsipe at sa buong kaharian nito. Pero ako nga ba talaga ang itinakdang babaeng makakatanggal ng sumpa? Maswerte ba ako o malas? Maswerte, dahil magkakaroon na ako ng kasintahan? O malas, dahil wala na akong ibang pagpipilian kungdi ang isuko ang unang halik ko sa isang lalaking hindi ko pa lubusang kilala. “Hindi ‘yan magigising kung tititigan mo lang!” parang galit pang pagsita ng misteryosong tinig. “Opo-Opo!” pagsuko ko sabay taas pa ng dalawang kamay. Muli kong tiningnan ang prinsipe, at napabuntong-hininga muna ako bago unti-unting inilapit ang mukha ko sa mukha niya. Hayan na… Malapit na… Ilang inches na lang… Ilang centimeter na lang ------ PAKIRAMDAM KO AY bigla akong nahulog sa kawalan. At naghabol ako ng hininga. Awtomatikong napadilat din ang mga mata ko kung saang puting kisame ang bumungad sa paningin ko. Isang mabahang linya ang tanging naririnig ko. Hanggang sana may isang babaeng nakakulay puti ang lumapit sa akin. Tiningnan nito ang magkabila akong mata, pati ang pulso ko. Samantalang ang isang babae naman ay dumiretso sa aparatong walang tigil sa pagtunog. Ilang saglit pa ay nawala ang tunog ng mahabang linya sa aking tenga, at unti-unti nang naging malinaw sa pandinig ko ang buong paligid. "Do you hear me?" Tanong ng babaeng nakaputi. Gusto kong tumango sa mga sandaling iyon pero hindi ko magawa. Parang wala akong lakas para igalaw ang buong katawan ko. Kaya naman nakaramdam ako ng takot. Walang akong ideya kung ano ang kasalukuyang nangyayari sa akin. Wala rin akong anumang naaalala. At nagsimula na akong makaramdam ng takot. Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha ko. "Shhhh...." Sabi ng babaeng nakasuot ng kulay puti. At nagawa pa nitong punasan ang luha ko, "Everything will be okay! Don't worry." Hindi ko alam kung anong mayroon sa mga kamay ng naturang babae. Nakaramdam ako ng init mula sa kanyang palad na parang biglang nagkaroon ng konting lakas para ako ay makapagsalita. "P-Patay...na-na-po...ba..a-ako?" Nauutal kong tanong sa kanya. Napangiti naman ang babae habang hinahaplos ang buhok ko, "You're still alive, Miss Aya!" Nagkunot ang noo ko. Hindi ko alam kung ako ba ang tinatawag niyang Aya dahil maski pangalan ko ay hindi ko matandaan. "Tanggapin mo ang regalo ko sa'yo, ija!" Nakangiting bulong ng babae sa akin. Pagkaraan ay binalingan nito ang dalawang kasama, "Pwede na nating alisin sa ICU. Magtutuloy-tuloy na ang recover ni Miss Aya!" Tumalima naman ang mga ilang taong nakasuot rin ng kulay puti na uniform. May ilang bagay pa ang inasikaso bago ako tuluyang mailipat. Gising ako nang tuluyang nang hilain ng ilang lalaki ang hospital bed ko palabas ng ICU. Wala pa rin akong kamalay-malay kung saan nila ako ngayon dadalhin. Nasa bumungad na kami ng main door ng ICU nang mahagip ng paningin ko ang isang pamilyar na babaeng nakatayo sa sulok. Nagsimulang kumabog ang dibdib ko dahil nakilala ako ito. Awtomatikong bumalik sa mga alaala ako ang mga panahon na kasama ko ang babaeng iyon. "M-Mama..." Kahit nanghihina ay nagawa ko na iyong bigkasin. Sinubukan kong iangat ang mga kamay ko para sa abutin siya pero bigla akong nagulat nang may lumitaw na isang babae sa harapan ko na hindi ko kilala. Ito ang humawak sa mga kamay ko. "Thank you! At gising ka na!" Mangiyak-ngiyak na sabi ng babae. Nagkunot muli ang noo ko, at pilit kong tinatanaw ang babaeng nasa sulok. Pero dahil sa bigat na nararamdaman nito ay hindi man lang niya ako magawang tingnan. "M-Mama ko..." Usal ko at pilit siyang inaabot. "Aya! Aya! Ako ang Mama mo!" Umiiyak na sabi ng babaeng nasa harapan ko. At sinubukan nitong tapikin ang pisngi ko, "Ako ito! Ang Mama mo!" Sinubukan kong umiling, "H-Hindi.... I-Ikaw ang M-Mama ko!" Kahit nahihirapan ay nagawa kong iyong sabihin sa kanya. At kusa nang tumulo ang luha sa mga mata ko. "Ako ang Mama mo!" Diin ng babae, at napatingin ito sa dakong kinaroroon ng babae, "Hindi siya ang mama mo!" Napatingin na ang naturang babae sa amin kaya naman lalo ko lang napatuyanan na siya talaga ang Mama ko. "Ako ang Mama mo!" Diin pa rin ng babae na nasa harapan ko, "Ako ang mama mo!" Halos paulit-ulit na nitong sambit na parang sirang signal ng callphone. Kaya naman buong lakas na akong bumangon ssa kinahihigaan ako at buong lakas na sumigaw, "Hiinnnddddiiiii!!!!!!" Pero kasunod niyon ay ang tuluyan pagkagising ko. Doon ko napagtanto na panaginip na naman pala ang lahat. Lucid Dreams!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Red Lady Is Now Live! (SPG)

read
15.0K
bc

Mafia Heir Declan Madrigal

read
483.9K
bc

I Married The Arrogant CEO

read
32.2K
bc

The Heartless Don's Angel

read
79.1K
bc

Secretly Living With My Boss | SPG

read
834.9K
bc

In Bed With Kuya Red

read
54.2K
bc

Owned by an Arrogant Billionaire- Montenegro Obsession 1

read
58.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook