Story By Mariana Miguel
author-avatar

Mariana Miguel

ABOUTquote
My isang tao ang nagsabi sa akin... Hangga't may isang nagbabasa ng mga novela mo, huwag na huwag kang hihinto! Patuloy ka pa ring magsulat. Patuloy ka pa rin mangarap! Balang-araw ang nag-iisang reader mo ay hihigit pa sa isang milliong magtitiwala at susuporta sa'yo!♥️
bc
Alice's Secret Wonderland
Updated at Oct 13, 2026, 20:22
SA BAWAT SECRET AGENT ng Alice's Secret Wonderland ay may kanya-kanyang ranggo na nagsisilbing pagkakakilanlan nito sa kakayahan bilang isang magaling na agent. Ang mga agent na katulad ni Lyra na hindi umabot ang ranggo sa one hundred list ay maituturing na Low Rank Agent na nabibilang sa numbers ng baraha ni Alice. At ang pinakamataas na baraha ay ang siyang namumuno sa kanila ay tinawag ng lahat sa Codename na ALICE. Ito ang may kontrol sa lahat maski sa mga kilala at maimpluwensyang tao ng bansa. Sa kanilang secret organization, ang mga secret agent naman na may ranggo mula sa ika-labing tatlo hanggang sa ranggong uno ay mga mysteryosong tao. Walang nakakaalam kung ano ang tunay na identity ng mga ito. Maski ang kinakatakutan na si Agent Alice ay walang pagkakakilanlan, kung ito ba ay isang babae o isang lalaki.Kaya naman ganoon na lang ang naging reaction ni Lyra nang magpakilala si Agustin sa kanila. Hindi ito basta-basta agent lang na katulad niya. Pero imbes na matuwa siya sa kanyang nalaman ay napuno ng pangamba ang kalooban niya. Matapos rin kasing pumirma ng kontrata ang pitong kapatid niya bilang mga secret agent ng Alice's Secret Wonderland ay halos araw-araw na siyang nakakabalita ng pagpatay ng mga opisyales. Mahal na mahal ni Lyra ang kanyang pitong kapatid. Kaya inilalaan niya ang kanyang buhay para maalagaan at maprotektahan ang mga ito kahit alam niyang nasa taning na buhay nilang walo matapos nilang pumirma ng kontrata. Habang lumalaki ang mga ito ay unti-unti nang umaangat sa ranggo ang kanyang mga kapatid. Pero kasabay rin nito ang unti-unti nilang pagtuklas sa tunay sa pagkawala ng kanilang magulang at ang tunay na nasa likod ng Secret Organization na kinabibilangan nila.
like
bc
Ang Huling Sayaw Ni Paraluman
Updated at Oct 14, 2026, 03:10
Nakuha ko lamang ang aking pangalan na Paraluman sa isang grupo ng kabataan na napadaan sa sementeryong aking kinaroroonan. Sa tagal kong pananatili sa lugar na iyon, isang batang babae ang nagpabago ng aking kapalaran. Si Yvonne. Nang tumawid ang kanyang ina sa liwanag, ako ang nag-alaga sa kanya, nagawa ko rin siyang pag-aralin kahit ako ay nananatili sa sementeryong iyon. Pero isang trahedya ang magpapabago ng lahat. Gamit ang mismong katawan ni Yvonne, nagawa kong makawala sa aking pagkakakulong. Nagpanggap akong bilang siya. At alamin ang mga taong pvm4t4y sa kanya. Pero habang nasa k4t4w4n niya ako, unti-unti ko ring matutuklasan ang katotoohanan tungkol sa kanyang pagkatao. At kung ano ang ugnayan nila ni Ezekiel Montero?Isang kinikilalang tycoon billionaire sa bansang Pilipinas. At sa pananatili ko sa k4t4wan niya, unti-unti ko ring matutuklasan ang katotohanan kung bakit ako ikinulong sa sementeryong iyon. Handa ko bang harapin ang parusang ipapataw sa akin ganoong isa sa pinagbabawal ay ang sumanib sa k4t4wan ng ibang tao?
like
bc
Yearbook (R-18)
Updated at Oct 13, 2026, 22:12
DAHIL SA KUMALAT na video scandal, bigla na lang nawala na parang bula si Aimee Acidera. 'Ni Isa sa mga kaibigan nito ay walang nakakapagsabi o nakakaalam kung saan na nga ba ang dalaga, at kung ano na ang nangyari sa pinagbubuntis nito. Pero limang taon ang lilipas, isa-isang makakatanggap ng mystery box ang may kinalaman sa pagkawala ni Aimee. Kalakip sa kahon na iyon ang isang katanungan... "Are you willing to take a Risk for the Stranger's Challenge?" Sampung tauhan na may sampung iba't ibang laro ang ihihanda para sa kanila. Ikaw handa ka bang tanggapin ang hamon ng isang estranghero?
like
bc
The Song Of Us
Updated at Aug 18, 2026, 05:14
HIGHSCHOOL PALANG si Lou ay pangarap na niyang maging isang singer at sumulat ng mga kanta. Kaya naman laking-tuwa niya nang may isang taong handang turuan siya. Si Taru. Ang secret crush niya. At ito rin ang kanyang magiging first boyfriend. Pero naudlot ang kanilang love story dahil bigla na lang nawala si Taru na parang bula matapos nitong makausap ang Mama ni Lou.Tatlong taon ang lilipas, maririnig ni Lou ang nilikha niyang kanta sa isang sikat na singer na si Aya. Wala siyang ideya kung paano napunta kay Aya ang kantang iyon ganoong siya ang sumulat nito. Para masagot ang gumugulo sa kanyang isipan, napagdesisyunan ni Lou na pumunta sa Lyrica Company para magfile ng reklamo at paratangan ng Plagiarism Case ang management na humahawak kay Aya. Pero sa mismong araw na tumungtong ang mga paa ni Lou sa naturang gusali ng Lyrica ay saka niya muling nakita si Taru. Pero nag-iwan lang matinding sakit kay ang muli nilang pagkikita na dalawa. Kaya naman matapos nilang mag-usap ni Taru ay hinayaan muna ni Lou ang kanyang sariling na magpakalasing kasama ang mga kaibigan niya. Pero iyon rin ang magiging dahilan para masangkot siya sa isang aksidente. Sa pagdilat ng kanyang mga mata, nasa ibang katawan na siya. Nasa katawan na siya ng babaeng iniidolo niya. Si Aya.Wala siyang ideya kung bakit sa dami-daming katawan na pwede niyang saniban, bakit sa katawan pa mismo ng kanyang iniidolo? Ano ang ugnayan nilang dalawa ni Aya?
like