Chapter 43

1051 Words

NAMALAYAN NA LANG NI Lou ang pagtulo ng kanyang luha. Kitang-kita rin kasi niya ang pagiging matamlay ng Mama niya. Halatang may mabigat itong dinadala. "Anak, andito na ulit si Mama! Gumising ka na!" Malungkot na turan ng Ginang at nagawa nitong hawakan ng pisngi ng anak. "Mama..." Umiiyak na bulong ni Lou habang pinagmamasdan sa di kalayuan ang ina. May nagtutulak sa kanya na sabihin rito ang totoo pero hindi niya alam kung magiging maganda ba ang maidudulot nito. "Mukhang may dumalaw na naman sa'yo rito, at pinadalhan ka na naman ng isang basket ng mansanas! Ang buong akala ko kilala na kita dahil anak kita. Hindi pa pala, kung hindi ka pa nacommatose ng ganito ay hindi ko pa malalaman na paborito mo pala ang mansanas." May halong hinanakit na turan ni Ms. Lily, at patuloy pa rin ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD