NASA GITNA NA SILA NG horror house nang may mga limang staff roon na nagpanggap na mga zombies. Dahil sa galing umarte ng mga tauhan roon ay napatili na rin si Lou sa takot at wala sa loob na hinatak niya ang kamay ni Rhea. At kahit paika-ika sa pagtakbo ay nagawa pa rin niya makalayo sa lugar iyon. Hindi na niya alam kung saan sila napunta ni Rhea, kahit saang pinto na lang siya pumapasok. Nang wala nang mga staff ng hunted house ang sumusunod sa kanila ay saka siya nakahinga ng maluwag, "Okay ka lang, Rhea?" hinihingal pa niyang tanong sa kasama. Walang narinig na sagot si Lou mula sa kanyang kaibigan kaya napatingin na siya rito. Pero daig pa niya ang nakakita ng zombie nang mapagtanto niyang hindi pala si Rhea ang kahawak-kamay niya, kungdi si Taru. Dahil sa kanyang natuklasan ay para

