"TARU..." TANGING NASAMBIT NI LOU. "Thank you, she's awake!" Bulaslas ng isang babaeng na may magarang kasuotan. Umiiyak pa ito habang katabi nito ang isang lalaki. Napakunot ang noo ni Lou. Ang lalaking ito ay nakita na niya sa gusali ng Lyrica Company, "I-Ikaw?" Tanong niya. "Yes, sweetie? Daddy is here!" Anang lalaki. Lalo lang mapakunot ang noo ni Lou. Pagkaraan ay pinalinga-linga niya ang kanyang kanyang paningin para hanapin ang ksang taong kilala niya, "Mama..." Tawag niya. Pinipilit niyang makatayo pero wala siyang lakas. "I'm here, sweetie!" Umiiyak na lumapit ang babae. Naguguluhang umiling-iling si Lou dahil hindi niya kilala ang babaeng nasa kanyang harapan. Binaling na niya ang kanyang paningin sa lalaking kasama nito. "S-Sino kayo?" Kahit nahihirapang magsalita ay

