NARAMDAMAN NAMAN NI LOU ang katapatan sa kanya ni Erick kaya naman lumipas ang tatlong taon ay nananatili pa rin silang magkaibigan. Iyon nga lang ay hindi niya magawang higitan ang pagmamahal na binibigay nito sa kanya dahil sa paglipas pa rin ng panahon ay umaasa pa rin siyang muli silang magkikita ni Taru. Hindi na tumuloy si Lou sa talent show. Dahil sa pagkadismaya, nagpasya na siyang kalimutan ang musika. Sa ngayon ay Third Year College na siya sa kursong Business Administration. Malayung-malayo sa kursong pinangarap niya noon. Tuluyan na niya tinalikuran ang pangarap niya. Nagpasalamat naman si Lou dahil hindi na natuloy ang planong pag-aabroad ng Mama niya. Iyon nga lang ay halos kayod-kalabaw ito, maitaguyod lang siya sa pag-aaral. Bilang pagbawas naman sa gastusin, pinagpatu

