HINDI NAMAN NAPIGILAN NI Lou ang lihim na humanga kay Taru nang magawa nitong ipagluto sila ng masarap na hapunan ng gabing iyon. Hindi niya akalain na may tinatago pala itong talento pagdating sa kusina. Lihim nga rin siyang inaasar ni Rhea sa pamamagitan ng mga tingin nito. At lihim rin niya itong sinasaway. Kinaumagahan, pare-parehas silang nagulat nang magising silang nakahanda na ang almusal nila. At si Taru pa rin ang nagluto. Naghanda ito ng lugaw. At tig-iisa silang itlong at may kasama pang tokwa. "Grabe, ginugulat mo kami, Pri! Hindi ka lang pala matalino, magaling ka rin palang magluto!" buong pagkamangha ni Jaypee, "Kung isa lang akong babae, I'm sure maiinlove ako sa'yo! Diba, Rhea?" "Bakit ako? Bakit hindi mo tanungin si Lou!" pasa ni Rhea sa nanahimik na si Lou. Muntik

