"Saan tayo pupunta?" Pagtatanong ni Carson kay Lucas. Lumabas sila ng kampo at parehong may bitbit na tig-iisang sako. Naguguluhan ang dalaga dahil wala naman itong sinasabi kung ano ang gagawin nila sa labas. Basta na lang s'ya nitong hinila at sinabing samahan n'ya ito. Tiningnan ng dalaga ang dalang sako. Sako ito ng bigas na kakasya ng 50 kilos. "Inutusan ako ni kumander at ang sabi n'ya ay magsama ako ng isa." Ngumisi itong lumingon sa kaniya. "Ikaw agad ang naisip ko at sakto naman din na ikaw rin agad ang nakita ko." Mas lalong kumunot ang noo ni Carson dahil sa nakuhang sagot. Hindi n'ya pa rin nakukuha ang gusto n'yang marinig. Bumuntong-hininga ang dalaga at saka tumigil sa paglalakad. Sumandal s'ya sa puno ng niyog kaya napahinto rin ang binata. "Magpahinga muna tayo sag

