"Ano?" Kunot-noong tanong ng kakarating lang na si Carson. "Ano yung pinag-uusapan ninyo?" Hinila naman s'ya agad ni Roberta kaya napaupo s'ya sa tabi nito. "Saan kayo galing ni Lucas? Wala kayo kanina. May inanunsyo si kumander kanina," sambit nito. Sinusubukan ni Carson na basahin ang mga hitsura ng kaniyang mga kasama ngunit magkaka-iba ng expression lahat kaya hindi n'ya agad nakukuha. "Nagulat kaming lahat. Maliban sa mga matatanda at sa mga matatagal nang narito. Sina Ralph at 'yong iba pang kasama," dagdag naman ni Jessa. "Bukod pala kay kumander, may mas pinuno pa sa kaniya sa lugar na 'to na wala rito. Ang sabi ni kumander ay may kinailangan lang daw itong asikasuhin sa Mosalla," saad naman ni Vicky. Nasa Mosalla? Ibig sabihin, possibleng ang mga taong nakakasalubong n

