"Kailangan ninyong makabisado ang buong paligid." Seryoso at madiin na saad ng kumander nila. Seryoos silang lahat na nakikinig dito at sa iilang matatandang nagsasalita. "Kung napapansin ninyo ay wala kayong halos makitang bahay papunta rito, iyon ay dahil nakatatak sa isipan ng mga tao na may maraming mga kagaya natin ang nakatira sa bukid at natatakot sila," dagdag naman ng kanilang tinatawa na si Tatay Johnny. "Hindi magiging madali ang pagkakabisa ninyo sa bukid dahil sa unahan, may mga makakasalubong kayong mga tao na buong buhay nila ay dito na nanirahan. Hindi naman sila mangingialam sa inyo ngunit kailangan pa rin ninyo ng ibayong pag-iingat dahil hindi natin alam kung kakampi pa rin ba sila." Mahabang paalala naman ng kanilang kumander. "Pero hindi naman ninyo 'yan kaila

