"Ano ang nangyari?" Seryosong tanong ni Carson sa dalawang lalake na hinihingal na dumating sa kanilang kampo. "Kailangan naming makausap si Kumander!" Sigaw ng isa at imbis na bigyan ng kasagutan ang tanong n'ya ay dumiretso ito ng takbo papunta sa kubo na kung saan mas madalas manirahan ang kanilang pinuno. Nakita naman n'ya sina Dante at Vicky na nagtatakang papalapit sa kaniya. Nagsalubong ang mga kilay ng dalawa habang nakatingjn sa dalawang lalake na nagmamadali. Maging s'ya man ay nagtataka. Hindi n'ya alam kung ano ang nangyayari ngunit nababasa n'ya sa mga mukha nito ang takot. "Ano 'yon?" Agad na tanong ni Vicky nang makalapit ang mga ito sa kaniya. Umiling ang dalaga nang hindi inaalis ang tingin sa papalayong mga bulto ng dalawang lalake. "Hindi ko alam. Nakita ko sil

