Nang makababa silang lahat ng bus ay agad silang tumungo sa mga motor na nagkukumpulan. Malamang sa mga ito ay naghahabal-habal. "Ako na magtatanong," presenta ni Dante at agad nga itong lumapit doon. Sumunod naman agad silang lahat. Pa-simple na iginagala ni Carson ang kaniyang mga mata kahit na alam naman n'ya na possibleng wala s'yang makakasalubong na kakilala sa lugar. Ngunit hindi s'ya pwedeng makampante dahil sigurado s'ya na noong araw na dumating s'ya ay napa-ingay n'yang muli ang pagkamatay ng kaniyang pamilya. At sigurado s'ya na hindi lang sa barangay nila naging matunog iyon. Alam n'yang nakarating ang balita na tungkol sa kaniya sa iba't ibang barangay. Kaya hindi malabo na may makakakilala sa kaniya kahit na hindi n'ya kilala ang mga ito. "Magandang araw po, papunt

