"Mabuti naman at nakarating kayo ng maayos," nakangiting sabi ng isang ginang nang makarating na nga sila sa San Jose. Inililibot ni Carson ang kaniyang paningin sa paligid. Malaki ang bahay at halatang-halata sa mga ito ang kaginhawaan sa buhay. Sabagay nga naman, wala naman yatang kapitan dito sa Claribben na may maliit na bahay. Ang alam n'ya, at ayun na rin sa kwento ni Yel Yel, ang bawat kapitan ay nagpapagandahan ng kani-kanilang mga bahay. "Kumain muna kayo. Nagpaluto kami ng mainit na sabaw," malawak ang ngisi namang saad ng kapitan. Ang mensahe na binigay sa kanila ni Rico ay iba sa mensaheng ibinigay nito kay Herman. Si Herman ang pinagkakatiwalaan ni Rico sa kung saan nga ba ang punta nila at kung sino talaga ang hahanapin nila. Mas lalo lang naintindihan ni Carson kung ga

