Chapter 69

213 Words

"Dapa!" Mabilis na kumilos ang lahat matapos marinig ang sunod-sunod na putok ng baril. Agad na nagsihanda ang lahat, naging alerto sila ng sabay-sabay. Tiningnan ni Carson ang suot na relo at sinasabi nito na alas-10 pa lang ng gabi. Hindi malayo ang pinagmulan ng putok. Malapit na malapit lang ito sa kanila at hindi rin naman sila sigurado kung para kanino ang putok na 'yon. "Gapang!" Halos pabulong ngunit madiin na sambit ni Lucas. Limang magkakasunod na putok at hindi na 'yon nasundan. Nagtataasang kugon na damo ang nakaharang sa kanila ngayong nasa putik ang kanilang mga katawan habang gumagapang. Ngunit napatigil sila nang makarinig ng sigaw at iyak ng mga tao. Napatingin si Carson sa mga kasama at nagtama ang paningin nila ni Herman. "Engkwentro 'yon," anito at tinanguan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD