Lucianda Solero NAGMAMADALI akong pumasok sa sasakyan, ngunit hindi ko pa iyun nabubuksan ay may humila na sa braso ko at pinahilig ako sa kotse ko. Bumungad sa akin ang pamilyar na mukha ng isang lalaki na kaedad ko lang. “Holland?” takang tanong ko matapos makita ang dating kaibigan. “Bakit ka kinasal agad?” Nawala ang konting tuwa sa aking mukha at napalitan ng kalituhan. “Buntis ka diba? Wala ka namang boyfriend noon. Bakit ka kinasal agad matapos ang mangyari sa ating dalawa sa hotel?” Napasinghap ako at binawi ang braso kong hawak niya. He sighed heavily and looked around us. “Open your car,” madiin niyang utos sa akin. “It was you…” I murmured and fear spread throughout my face. “Open your Goddamn car!” mas mariin na niyang utos. Pero nagmatigas ako at matalim siyang ti

