bc

SHOTGUN Marriage

book_age18+
119
FOLLOW
1K
READ
dark
HE
age gap
opposites attract
heir/heiress
like
intro-logo
Blurb

Alejandro Montalbo

Lucianda Solero

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
“Gusto mo talaga na tigilan ka ng obsess na lawyer student na yun? Pormahan mo yung best friend. A woman who cherishes her friends like her own family will never break the girl’s code. You know the girl’s code pare?” Nahihirapan na napalunok si Alejandro habang hawak ang baso ng alak. Malamig dahil sa yelo na nasa loob at halos mamasa ang mga daliri niya. Ngunit ang init na hatid nito sa lalamunan ay hindi alintana sa lamig na hawak niya. Gayundin ang pagguhit ng pait tuwing nilalagok ang inumin. Nagpakawala ng halakhak si Soliverez na may makahulugang ngisi. “Ligawan mo yung best friend niya, kapag naging kayo titigil yan. Maghiwalay man kayo hindi na yan papatol sayo kahit gustuhin mo. Unless… she is a dumb slut. Mas paiiralin ang katawan at emosyon kaysa sa delikadeza.” Kumunot ang nuo ni Alejandro sa salitang ginamit ni Soliverez. Hindi niya yun nagustuhan, kung hindi niya kaibigan ito ay baka kinuwelyuhan na niya ang lalaki. Ngunit dahil tinutulungan siya ay pagtikom ng bibig lamang ang nagawa nito. “Kung ayaw mo talaga sa kanya, give her to me. Akong bahala sa kanya. What is her name again? Mukhang bata pero tingin ko maraming experience na. Did you see her body? Damn! Ang hot. I can’t help thinking about her boobs, I think it will fit my palms.” Ani ng isa pang kaibigan. “Kung ako sayo, gamitin mo na lang. Tas iwan mo kapag nagsawa kana. Maganda at mukhang hindi ka naman lugi sa kanya,” suhestyon naman ni Soliverez. Dumiin ang hawak ni Alejandro sa baso at nilagok iyun. Diretso at walang pag-aalinlangan bago siya nagpakawala ng marahas na buntong hininga. He stood up in total madness. Hindi niya alam kung bakit siya galit, siguro dahil sa mga sinabi ng kaibigan niya na tingin niya ay walang katotohanan pero dahil kalaban ang tingin sa dalaga ay isang katangahan kung ipagtatanggol niya ito sa harapan nila. He wants to get rid of her. Tapos ipagtatanggol niya at magagalit siya sa mga salitang binitawan ng mga kaibigan? Magmumukha siyang katawa-tawa. “Where are you going?” “Probably got pissed, huh? Kung ano ano kasing sinasabi niyo.” “No one owns her. Ayaw niya naman sa dalaga, edi ibigay niya na sa iba. Ayaw niya pero ayaw niya rin mapunta sa iba?” nagpakawala ito ng halakhak tsaka umiling. Dahil sa huling sinabi ng kaibigan ay mas lalong nairita si Alejandro. Napapamura na lamang siya sa isip niya. IT WAS NOT easy for Alejandro to find a woman to date because of that evil witch Lucianda Solero na kung ano-ano ang pinaggagawa para lamang hindi siya matuloy na magka-girlfriend. He got dumped by a woman he is courting because of Lucy. Galit na galit siya. Kung kaya sa galit ay pinatulan na niya ang dalaga. Something happened between them. Naulit at naulit. Hanggang sa nagpakita ito sa kanya at sinasabing buntis siya. Ngayon ay ginigipit ng mga Solero si Alejandro na pakasalan ang anak nito. May reputasyon at pangalan silang inaalagaan. Parehong respetado at prominenteng mga pamilya. He is a man who knows his responsibility, mas pahahalagahan niya ang responsibilidad kaysa sa sariling nararamdaman. Walang kaso iyun sa kanya lalo na at wala siyang karelasyon. Not until Alejandro Montalbo found out that Lucianda Solero lied to him after they got married. She was not pregnant. Isang kasinungalingan ang lahat, lalong nagsumiklab ang galit niya sa dalaga. Lalo na at pakiramdam ni Doctor Alejandro ay napikot siya dahil siya na ang kasalukuyang nasa posisyon bilang nagmamay-ari ng Grande Hotels. Bagay na ninanais ng mga Solero na angkinin. “I want a divorce…” Napatitig si Alejandro sa asawa habang nakaupo ito sa harapan niya. Kumakain sila sa tahimik at malamig na malaking bahay. Mag-asawa na pinagbuklod dahil lamang sa kasinungalingan at pagmamanipula. “I’d rather die than see you every night with multiple women in our house. This is too much, Alejandro. What have I done wrong? At pinapapasok mo pa sa kuwarto mo. Wala kang puso!” Bumagsak ang tingin ng lalaki sa plato at nawalan na ng gana. Isang pagod na buntong hininga ang pinakawalan niya tsaka ito napahilot ng sentido. Hindi siya makapaniwala na narinig na sa asawa ang mga salitang pinakamagusto niya noon pa man, ang hiwalayan siya nito. Noon pa man ginagawa na niya ito simula makasal sila. Ngunit mukhang ngayon lang sumiklab ang galit at determinasyon ni Lucy dahil sa isang bagay. Alam niya kung ano iyun. Alam niya kung sino ang dahilan. “Ayoko na! Pagod na pagod na ako. Tinalikuran ko ang lahat para sayo. Kahit kaibigan ko ay tinraydor ko para lang piliin ka. You used my friend to get away from me. Sino sa atin ngayon ang mas mapagmanipula? Hindi ba at ikaw?!” she accused with so much pain. “You bring your women here without considering what I feel. Tingin mo kung gawin ko yun sayo matutuwa ka?” Kitang kita sa kanya ang pagod at kagustuhang makawala sa kanilang pagsasama. Bagay na ngayon lang nakita ni Alejandro sa kanya. Sa ilang taon nitong pamimilit at pagpupursigi ay ngayon niya lang nakitaan ng pagod ang dalaga. “I wanna think that I’m too in love to do all these stupid things so just you could love me back. Oo! Hindi ako mabuti. Pero hindi naman ako kasing sama mo para iparanas sa akin lahat ng ito, I don’t deserve these… But no! This is not love anymore. This is naivety! Foolishness!” Alejandro licked his lower lip while watching his wife cry in misery. Nakikita na niya sa mga mata nito ang pagsisisi. Namumugto ang mga mata kasabay ng pagpula ng kanyang ilong. She sniffed and laughed in bitterness. Na tila ba isang malaking katatawanan ang ginawa nilang pagpapakasal. “Let’s break up. Let’s end this foolish relationship. Tama ka, pinagmumukha lang nating tanga ang sarili natin.” Sumeryoso ito at pinahid ang luha sa kanyang pisngi. “I don’t wish to have a failed marriage. I respect what is legally written in the paper. I can sacrifice what is dear to me just to make this marriage work. I value the sacredness of our relationship. But this is enough. I don’t want to fool myself.” Nagsalubong ang dalawang kilay ni Alejandro at lumamig ang titig sa dalaga. Ngunit mukhang sanay na ito sa kanya. Na tila ba sanay na ito sa pagiging malamig na bato niya kung kaya balewala na sa dalaga anumang reaksyon na matanggap sa asawa. “You don’t want to fool yourself? You’ve been fooling yourself since the day we met. Talaga bang iniisip mo na mamahalin kita?” He smirked, but to his surprise it didn’t even inject any pain to Lucy. Kung kaya mas bumigat ang kanyang dibdib lalo na at ngumiti ito ng tipid at tinanguan siya. “And thank you for being honest. Inaayos ko na ang mga papers and documents. I’ve talked to my lawyer, magaling siya at madali itong mapoproseso. Huwag kang mag-alala, walang nawala sayo.” Pumait kalaunan ang ngiti sa labi nito. “Mas maraming nawala sa akin. Mas marami akong sinakripisyo. Hindi na kita gagambalain pa. Pupunan ko rin ang mga pagkakataon at oras na nawala sa akin dahil sa pagmamahal sayo. I’ve lost a lot of things because of loving you too much. Let’s not see each other, Doctor Alejandro Montalbo. I’m removing your surname from my name.” Alejandro let out a mocking laugh. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. He was too stunned to speak. “Susuko ka rin pala… akala ko pa naman paninindigan mo ‘to hanggang huli.” Humalakhak siya para galitin pa lalo si Lucy. Ngunit sa pangalawang pagkakataon ay nabigo siya kung kaya tinikom niya ang labi at mas rumiin ang titig dito. “I’m not a lawyer for nothing, Doctor Montalbo.” Mas lalong naningkit ang titig nito sa dalaga sa pagiging pormal. “Buong buhay ko ay lumalaban ako. Pinagtatanggol ang mga kliyenti ko. I fight and win my cases… pero nakakalungkot dahil sarili ko hindi ko kayang ipaglaban. Ito lang… ito lang ang laban na susukuan ko.” Umiling si Lucy at mapait na ngumiti Natigilan si Alejandro sa mga sinabi nito. Napakuyom siya ng kamao at mas bumigat ang paghinga. Napaiwas ng tingin at kumunot ang nuo. Hindi niya magawang tignan ang dalaga sa pagtayo nito at paglapag ng table napkin sa lamesa. She was bold, certain, and decisive before she left the table. Ang mga salita nito ay nagmarka kay Alejandro.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Sex Web

read
134.2K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
39.2K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
91.5K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.3K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.4K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.8K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
35.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook