Alejandro Montalbo HINDI KO IPAGPAPALIT ang babaeng gusto ko para sa aking pamilya. Hindi ko hahayaang magkaroon ng koneksyon muli ang aking ina at si Mayor William Solero. Sa galit ko at magulong isip ay hindi ko na kinausap pang muli si Lucianda. Hindi siya ang sisira sa pamilya ko, hindi isang Solero. “I will help you forget her, kung sino mang ang babaeng dahilan kung bakit ka nasasaktan ngayon.” Hinaplos ni Elle ang aking panga at sinubukang umangat para maabot ang aking labi ngunit umiwas ako. “Hindi ako manggagamit ng iba, Elle. I can move on and can help myself. Hindi ko kailangan ng tulong mo.” Tumayo ako at mabigat na napabuntong hininga tsaka iniwan siya sa kanyang apartment matapos ko itong ihatid. Nagagawa ko namang kalimutan si Lucianda. Alam kong kaya ko lalo na tuwin

