Lucianda Solero DUMIIN ANG titig ko kay Dad matapos niya akong ipasundo galing courtroom papunta rito sa bahay. At ang maabutan ko pa ay kasama ang anak niya sa labas at kaharap si Mommy sa hapagkainan. “I need to prepare for the upcoming campaign. Hindi biro ang posisyon na aking tinatakboa. I want the full support of this family. I couldn’t communicate properly to Lucan, umaasa ako na sana pakiusapan niyo siyang makauwi sa lalong madaling panahon.” It was like a speech of a politician to his people. Pormal at tila hangad ay kabutihan para sa lahat. Hindi ako agad nakaimik, nalilito pa rin kung bakit nandito ang anak niya sa labas at kasama namin. Despite being composed and calm, I am raging inside. Ayoko lang sumabog dahil wala rin namang patutunguhan iyun ng maayos. “Full support

