Lucianda Solero Montalbo KUMUNOT ANG nuo ko matapos makita ang naglalakihang boxes sa sala. Binuksan ko ang isa roon at nakita ang mga gamit para sa baby na binili namin ni Alejandro at ngayon lang na-ideliver. “I forgot to tell you that it will be delivered today.” Naramdaman ko ang paghalik niya sa aking pisngi. At bumungad sa akin ang hawak niyang pagkain. “You’re craving this last night. Wala akong oras na ipagluto ko kaya bumili na lang ako.” he wrapped his spare hand around my stomach and gently planted a kiss on my neck. “Hu-huwag na muna nating galawin yung boxes, magugulo lang. Si-siguro kapag, maayos na ang kuwartong paglalagyan,” wala sa sariling saad ko. “Mamaya na yan, kumain muna tayo. Let’s go?” He moved and let go of his wrap on my waist to take my hand and pull me i

