Alejandro Montalbo I WAS HEADING on the hallway to check for the guests of our hotel. May malaking pagdiriwang ngayon sa Grande Hotel, bigating bisita kung kaya ay narito ako para salubungin iyun. And of course, to ensure that the hotel will accomodate the visitors properly. “Most of my guests here are working on the cruise. Alam mo namang may ari ng Cruise ang aking asawa. Itong party ay para rin sa kanyang mga empleyado.” Marahan akong napatango sa matanda at banayad ang ngiti na binigay nito sa akin. “Totoo bang hanggang ngayon ay wala ka pa rin nobya?” Hinawakan nito ang aking balikat. “Nahihirapan ka bang maghanap? Marami akong staff sa magagandang babae sa cruise. Ilan sa kanila ay edukada at talagang maganda.” Tipid lamang akong ngumiti. Hindi pa nakakasagot ay tinawag ako

