Amara Ibardaloza Solero “Kaya kitang tanggalin sa rehab. Kaya kung ibalik ang dati mong buhay. You just need to follow me.” Tinitigan ako ni Holland. Kilala ko siya at alam ko ang kahinaan niya, sa lahat ng mga tao na naging parte sa buhay ni Lucy. Si Holland ang taong nakilala niyang mabuti at mapagkakatiwalaan na ngayon ay nagbago dahil sa kanyang bisyo. When someone is under the influence of drugs, marami na iyong magiging epekto sa kanilang katawan. Hallucination, hearing voices that are not real, seeing scenarios that have never happened. Gumagaling na si Holland, ngunit alam ko na hinahanap ng katawan niya ang bisyo na kanyang kinasayan. Konti lang ang nakakaalam na nalulong siya sa pinagbabawal na gamot, ngayon umaayos na ang lagay ay alam kong sa kulungan na ang kanyang bags

