LIGAYA'S POV: -- ANIM na buwan na ang nakalipas mula nang umalis ako sa bahay namin. Nagpa-gala-gala sa syudad, napalayas sa apartment na una kong tinirhan, nagkaroon ng trabaho sa Crunch Ey, nakahanap ng mga kaibigan na handang tumulong. Bagong apartment, bagong kaibigan at ngayon tapos na ang kontrata ko sa fast food chain. Tatlong buwan na rin ang lumipas mula nang ibalik ko ang bangkang papel na gawa sa ginto kay Sir Asher at ito na rin ang huling araw na magtatrabaho ako sa Crunch Ey. "Wala ba tayong extension sa work?" Pagmamaktol ni Grace. Gaya ko ay ayaw rin nitong umalis kaso anong magagawa namin? Manager, Supervisors at kusinero lang ang regular employee dito sa fast food. "Maging manager ka muna para ma-extend habambuhay ang pagtatrabaho mo dito." Sambit naman ni June. Ka

