LIGAYA'S POV: -- "BAT parang nakakita ka ng multo?" Bulong ni Grace sa akin habang kumukuha kami ng pagkain. Kung hindi pa niya ako tinulak, hindi pa ako gagalaw sa kinatatayuan ko. "Huh? Wala. Ano lang nag-iisip ako kung alin ang uunahin kong pagkain." Pagsisinungaling ko rito habang pilit na sinisilip ang limang lalaki na nasa unahan namin. More on finger foods ang nasa buffet at talaga namang sulit ang pagpunta namin dahin hindi kami tinipid. May nakita pa akong chocolate fountain kaya naman kumuha ako ng marshmallow para isawsaw doon. Minsan na rin naman akong nakakain ng ganitong sosyal na handa pero dahil sa hirap ng buhay ko, isang kahig at isang tuka lang ako. Depende na lang kung bibigyan ako ni Kuya Jerry ng pagkain. "In fairness ang gugwapo at ang babango ng mga lalaking n

