“Hindi ako aalis,” matinong sagot ko. Ayon sa gusto niyang marinig. “Eh, ikaw. Bakit dalawang taon kang nawala?” Nang makita ko ang pagngisi niya ay napairap ako at kumibot-kibot na naman ang labi ko. “Nagtanong ka tungkol sa akin, ano? Kaya alam mo na wala ako rito ng dalawang taon. Ayie. . .” Nabigla naman akong sundutin niya ako sa tagiliran ko. “Tumigil ka nga,” sita ko. “Yey, crush na ako ni Azul!” I sighed. Hindi ko rin talaga mapigilan ang mapangiti. “Kung aalis ba ako. Sasama ka?” tanong ko naman nang makarating na kami sa patutunguhan namin pero malayo pa ang hihintuan namin. “Naka-drugs ka ba, Azul?” sa halip ay iyon pa ang naging tanong niya. “Ako ba’y mukhang adik sa iyong paningin, Eljehanni?” kunot-noong tanong niya at napataas naman ang kikay niya. “Why are you asking

