DUMATING si Lola Molai at napahawak pa siya sa balakang niya. Dali-dali naman akong lumapit sa kaniya at kinuha ko ang dala niyang bayong na naglalaman ng mga gulay na ibebenta niya. “Ano pong nangyari, ’La?” nag-aalalang tanong ko dahil parang may iniinda siyang sakit. Pinaupo ko agad siya at si Anastasia naman ay lumapit sa lola namin. “Nakasalubong ko kanina sa daan ang isang babae na sakay ng kabayo at halatang galit na galit. Nagmamadali rin siya. Ang daming napinsalang mga paninda sa labas, apo. Mga gulay iyon at prutas. Nagkagulo nva rin sila,” paliwanag pa niya at naalala ko kung sino ang babaeng tinutukoy ni lola. Posibleng siya iyon? “Si Eljehanni po ba ’yon, ’La?” tanong ko dahilan na kumunot ang noo niya. “Ha? Sino namang Eljehanni, apo?” Hindi pa nga yata kilala ni lola an

