Chapter 38: Contract & 10 years, expiration “OPO, tita. Kadarating ko lang po noong isang araw. Ayos lang po kami ni Lola Molai,” sagot ni Azul at sumulyap pa sa gawi ko pero nang makitang walang emosyon akong nakatingin sa kaniya ay mabilis siyang nag-iwas nang tingin. Hindi rin nakatakas sa ’kin ang bayolente niyang paglunok. Ang hayop na ito, ang kapal ng mukha niyang magpakita pa sa villa namin. Tapos ang kaswal lang kung makipag-usap sa mama ko. Na parang wala siyang atraso sa anak nito, ah? Ang kapal-kapal ng mukha niya. Táng-ina niya. “Imbitahan ko nga minsan si Aling Molai sa villa, para makipagkuwentuhan sa kaniya,” saad ni mama at ang labi ko naman ang kumibot-kibot. Seriously, mama? Kailangan mo pa ba talagang makipaglapit sa mga taong iyon? Nakalimutan na yata ng mama ko an

