Chapter 37: Baby horse “WEZ, huwag ka nang babalik pa sa bahay na ito, okay?” pagpapaalala ko sa aking anak. Naririnig ko ang pagsinghot-singhot niya. Wala ng tali ang buhok niya pero hindi pa rin magulong tingnan iyon. Kagigising pa lamang niya, halata iyon sa namumungay niyang mata. “Why po?” nagtatakang tanong niya. “Hindi mo naman kilala ang mga taong iyan, Wez. Bakit mo ba sila kinakausap?” I asked him. Ayokong magalit sa kaniya dahil wala pa siyang nalalaman tungkol sa past namin ng kaniyang. . . Tsk. “Mommy, bigay po ni Azul ang kabayo niya. Akin na raw po iyon. Tapos sabi ko Asul name niya,” magulong paliwanag pa nito. Kumunot ang noo ko. Asul? “Ano’ng Asul ang pangalan niya? Bakit iyon ang pinili mong pangalan?” tanong ko pa. Sa dami-rami ng pangalan ay iyon pa talaga? “Bast

