Chapter 31: Cheating HINDI na ako nagpahatid pa kay Azul sa Manila dahil baka magbago pa ang isip ko at hindi ako matuloy sa States. Nangako rin naman siya na gagawa siya nang paraan kung paano niya ako matatawagan. Simula nang naging kami ni Azul ay hindi kami gumagamit ng smart phone. Madalas naman kasi kaming nagkikita kaya ganoon. Pagdating ko nga sa States. Paglabas ko pa lang na bitbit ang maliit kong maleta at ’saktong pagbukas ko ng phone ko ay may tumawag na sa ’kin na unregistered number. “Hello?” Boses iyon ng fiancé ko! “Babe! Na-miss ko agad ang boses mo!” sigaw ko at narinig ko ang mahinang pagtawa niya mula sa kabilang linya. “Kanina ko pa tinatawagan ang cellphone mo. Pero nakapatay,” sabi niya. “Kalalapag pa lang ng sinasakyan naming eroplano, babe. Tapos ngayon ko

