Chapter 32: He’s Gone “ELJEH. . . Tumahan ka na. Magpapaliwanag ako sa fiancé mo,” sabi ni Sydney at pilit niya akong pinapatahan. “Huwag mo akong kausapin!” sigaw ko pa sa kaniya. Paano kasi iyak nang iyak ako. Parang baliw kanina na napapatingin sa ’kin ang mga tao. Noong paalis na ako sa hotel ay nakasunod na pala agad siya at siya mismo ang nag-uwi sa akin pabalik sa condo ko. Dumiretso agad ako sa kama at umiyak nang nakadap. Binaon ko pa nga ang mukha ko sa unan ko. Ang sakit-sakit ng dibdib ko. Naghalo-halo pa at nahihirapan lamang akong huminga. Hindi ko alam kung bakit kami umabot sa puntong ito. Nang hindi naman ako aware ay pinagdududahan na pala ako ni Azul. Ni hindi man lang siya nagtanong sa ’kin. Paano kaya sila nagkakilala ni Snow? Bakit ngayon lang sumulpot ang babaen

