Chapter 33: The break-up “ANO’NG ginagawa mo rito?” Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya. Siya nga. . . Siya nga ang nakikita ko sa mga oras na ito. Napahawak ako nang mahigpit sa bestida ko at napatitig ako sa mukha niya. Yumuko ako at pinunasan ko ang mga luha ko. Akala ko ay hindi ko na siya makikita pa. Nag-angat ulit ako nang tingin sa kaniya. Mula sa likuran niya ay ang tuluyan nang lumubog ang araw at kulay kahel na rin iyon. “I just want to talk to you,” mahinang wika ko. “May dapat pa ba tayong pag-usapan? Hindi ba malinaw na sa atin na wala na tayo?” malamig na tanong niya at humakbang siya palapit sa akin. Kung sabagay, ang mga katagang iyon ay pareho ko na ring binitawan. May pag-uusapan pa nga ba kami ni Azul? Malinaw na s

