CHAPTER 1

1524 Words
Chapter 1: Eljeh first intro ELJEHANNI ELITES CIESTA’s POV Sta Rosa Province I REMOVED my sunglasses nang mabasa ko na ang pangalan na pupuntahan ko. I smiled sweetly. Surprise ang pag-uwi ko kaya naman nag-commute ako from NAIA to this province. Yes, kagagaling ko lang from States. Kahit na sobra akong nainitan sa bus dahil nagsiksikan pa ang mga pasahero roon. Isama mo pa na mainit noong una kasi marami ngang nakasakay pero nang tumapak na ang mga paa ko sa province na ito ay gumaan ang pakiramdam ko. Hindi mainit sa probinsya, kahit na medyo tirik ang araw. Sariwa pa ang hangin dito at walang air pollution. Peaceful din at magandang tingnan ang paligid kahit puro matatayog na punong kahoy lang ang makikita mo. I wore my sunglasses again. White longsleeve ang suot ko na may mahabang manggas but crop top style siya, so kita pati ang pusod ko. Skort naman pababa na may flap fabric siya sa shorts kaya mas nagmukha pa rin siyang skirt. Blue sneakers naman ang suot ko. Red beanie rin at hinayaan ko nang nakalugay ang long straight hair ko. Bitbit ang maleta ko ay nagsimula na akong maglakad. Malayo-layo pa naman ang villa namin. Sana man lang ay may dumaan dito sa gawi. But impossible, kami lang ang nakatira here except sa kabila banda nito at sa mga tauhan ni Papa. Wala pang limang minuto ay nakaramdam na agad ako ng pagod. I snorted. I just want to surprise my parents but hèll I’m tired na. Pinunasan ko ang namumuong pawis sa noo ko gamit ang likod ng kamay ko at huminga nang malalim. Ilang minuto ulit ako naglakad ay nakarinig ako nang yabag ng kabayo. Parang nabuhayan ako ng loob. Nasa bandang likuran ko nanggagaling ang tunog na iyon kaya naman ay humarap ako. I extended my hand to stop the horse—parang pumapara lang ako ng taxi. Lalaki ang sakay ng kabayo. Itim na t-shirt ang suot niya at may red vest pa siya. Brown ang pants niya na fitted sa mahahaba niyang mga binti, and a pair of black boots pero hindi ko makita ang face niya dahil sa cowboy niyang sumbrero. Huminto naman siya sa tapat ko na ikinalapad ng ngiti ko. Napaatras pa ako nang sumipa ang kabayo niya at nalaglag ang sumbrero niya. Nagkusang loob naman akong pulutin iyon at ibibigay pa lang sana sa kanya nang mapahinto ako. Bayolenteng napalunok ako nang makita ko ang mukha niya. Bakit ang perpekto naman ng hugis ng face niya? Makapal ang kilay, matangos ang ilong, mamula-mula ang labi. Malapad ang panga at ang lalagukan niya ay nagtaas-baba rin. Ang buhok niyang may kahabaan, nagmistulang bangs ang buhok niya dahil nalalaglag iyon sa noo niya. Hindi ko masasabi na moreno ang kutis niya dahil nag-sparks ang kaputian niya kapag tinatamaan siya ng sikat ng araw. Nagtama ang mga mata naming dalawa at kahit naka-shades pa ako ay parang pati ang kaluluwa ko ay nakikita niya. Ang lamig at malalim kung makatitig siya. I cleared out my throat. Bumilis bigla ang heartbeat ko at hindi iyon normal, ha. “Here. Can I ride in your horse? I just want to be there, oh. I’m so tired,” sabi ko at itinuro ko pa ang dulong tatahakin ko. Tiningnan niya iyon at malamig na tinapunan ulit ako nang tingin. “Hindi puwede,” mabilis niyang sagot. Aba, tinanggihan niya agad ako. “Ha, why not?” nagtatakang tanong ko. Tiningnan naman niya ako mula ulo hanggang paa at saka umigting ang panga niya. “Please, my legs are shaking and I can’t even stand straight. Sa dulo lang iyon ako pupunta,” ani ko at hindi nakatakas sa paningin ko ang bahagyang pagtaas ng kilay niya. “Villa Ciesta?” he asked and I nodded. I don’t doubt na alam niya ang villa ng parents ko. Kilala kasi kami rito, eh. Kami ang nagmamay-ari ng lupain. “Yes. Can I?” “Hindi pa rin puwede. Hindi isang lugar ang Villa Ciesta para puntahan ng mga—” “I am not foreigner and hindi ako pumunta rito para lang mamasyal or something. I came from here actually,” sabi ko. Hindi pa ba halata na nakaintindi ako ng salitang Tagalog? O baka nagtaka siya sa accent ko. Ilang taon lang kasi ako nanirahan sa States ay umiba ang paraan nang pananalita ko. Napapansin iyon ng parents ko. Just because puro foreigner ang nakasalamuha ko while staying there. “Hindi. Hindi kita matutulungan,” tanggi niya. Mabilis niyang inagaw sa akin ang sumbrero niya. Isinuot niya iyon at saka niya pinatakbo ulit ang kabayo niya. “Pogi sana pero suplado naman!” komento ko at wala na akong pakialam pa kung maririnig pa niya ako. Halos magpadyak na ako sa tabi ng kalsada. May hitsura nga siya. Sobrang guwapo niya pero wala siyang facial expression. Ang hirap basahin. Nailing na lamang ako at nagsimula ulit akong naglakad with my long face. Tsk. Maingay ang gulong ng maleta ko kahit mabagal pa ang paglalakad ko. Kapag kasi binilisan ko ay mapapagod lang ako agad. Malayo pa talaga ang lalakarin ko. Dadaan pa nga ako sa munting bayan. Mag-suggest nga ako kay Papa na lagyan na lang ito ng golf car para hindi mahirapan ang mga taong gustong pumunta sa villa namin o ang magamit naman ng mga farmer namin. Pero hindi rin. May kabayo at sariling sasakyan ang mga tauhan niya. Siya mismo ang nag-provide nito. I took a deep breath. Huminto muna ako saglit saka ako nag-squat sa kalsada. I was panting but I heard the footsteps again. Nag-angat ako nang tingin pero kumunot pa rin ang forehead ko nang makita ko ang pamilyar na built ng body niya. Bumalik ang lalaki? Ha? Napatayo na ako nang ’saktong huminto ang kabayo niya. Naglahad agad siya ng kamay sa akin. Napatitig ako sa malaking palad niya. Magaspang iyon, dahil siguro ay bakat na sa trabaho. “What’s that?” I asked him in confused. “Akin na ang maleta mo.” “Ha? Why?” He’s confusing me. “Bakit ba ang dami mong tanong?” iritadong tanong niya at agad siyang tumalon pababa para lang kunin ang maleta ko. Isinakay niya iyon sa kabayo sa unahan niya saka siya sumunod at gamit ang isang palad niya ay muli niyang inilahad iyon sa akin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. “Sasakay ka ba o iiwan na lang kita rito?” naiinis na tanong na naman niya. Out of confusion I accepted his hand and he guided me to ride on his horse. Hindi ako puwedeng umupo nang diretso dahil maikli ang skort ko. Sumilip siya mula sa likuran at nasundan ko nang tingin ang eyes niyang napako sa hita ko. Tinakpan ko iyon ng isang kamay ko habang ang isa ay nakahawak ako sa gilid niya. Naaamoy ko na ang pabango niya and his natural scent. Grabe, mukhang pinagpapawisan siya pero amoy fresh pa rin siya. May secret yata siya para hindi mawala ang amoy sa katawan niya, ’no? Hinubad pa niya ang vest niya at ibinigay iyon sa akin. “Para saan ito?” I asked him. “Aanuhin ba iyan?” balik niyang tanong. Naiinis na talaga siya sa akin. Tinakpan ko na lang iyon sa legs ko at nakahinga na ako nang maluwag dahil comfortable na ako. Hindi pa ako handa sa pagpapatakbo niya ng kabayo nang bigla na niya itong pinatakbo. Awtomatikong pumulupot ang dalawang braso ko sa baywang niya at dumikit ang pisngi ko sa likod niya. “Ano ba?! I am not ready pa!” inis kong sigaw. Hindi niya ako pinansin at nag-focus na lamang siya sa kabayo niya. Kaasar talaga ng lalaking ito. Ang suwerte nga niya dahil naka&free hug siya from me. Aba siya, hindi ako yumayakap ng kung sino-sinong lalaki. Dahil may boyfriend na ako. That was true na may boyfriend na ako at si Sydney iyon. On and off ang relationship namin dahil madalas ko siyang nahuhuling may kasamang babae. Wala naman akong nararamdaman na galit and selos or something. Kasi hindi naman namin mahal ang isa’t isa. Nag-e-enjoy lang kami sa samahan namin dahil may sense of humor ang hudas na iyon. Umuwi nga ako rito na masama ang loob niya dahil bigla-bigla raw akong nang-iiwan sa kanya. Kasalanan niya iyon. Psh. “Huwag kang masyadong dumikit sa akin. Hawak lang.” “Mahuhulog ako kapag hindi ko higpitan ang hawak ko sa ’yo,” usal ko. “Puwede kang kumapit sa akin ng hindi nakadikit ang dibdib mo. Nararamdaman ko iyan sa likuran ko,” walang emosyon na sabi niya. Wow, sa panahon na ito ay may makikilala pa pala ako na conservative na lalaki, ano? Noong humingi nga ako ng little help sa kanya ay agad niya akong tinanggihan. Akala ko ay masama ang attitude niya pero nakonsensya pa rin siya at binalikan ako. Tapos hindi nga siya nag-take advantage. Nah, marami na kaya akong nakikita na mga kalalakihan ngayon na ganoong klaseng tao. Ang mag-take advantage sa mga babae. Tapos siya? Mukhang allergic siya sa mga babae, ay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD