Chapter 2: Hardinero
“YOU’RE so maarte naman, dude,” puna ko sa kanya and I heard him hissed. Of course hindi ko siya sinunod pero bahagya niyang binaklas ang mga braso ko para hindi ako makakapit sa kanya nang mahigpit.
I snorted again and ang dulo na lang ng shirt niya ang hinawakan ko. Muntik pa akong mahulog dahil pinabilis niya ang pagpapatakbo. Namilog pa ang mga mata ko dahil narinig ko ang pagkapunit ng fabric nito. Awtomatikong pinahinto na naman niya ang pagpapatakbo.
Binitawan ko iyon. Nakita kong napunit ko nga! Hala, hindi ko naman sinasadya!
“Ikaw na nga ang nakikisakay ay pupunitin mo pa ang damit ko?” walang emosyon na tanong niya. Nagpakawala ako nang hangin sa bibig.
“I am sorry. Babayaran ko na lamang—”
“Hindi ko kailangan ng pera mo. Tsk.” Ang sungit niya masyado. I can’t tell if gentleman siya.
“Bakit kasi ang arte mo? Mas better na ang mapunit iyang shirt mo. Kaysa naman ang mahulog ako, ano?”
“Ang daldal mo.” Sumimangot ako. Hinawakan niya ulit ang pulso ko at inikot niya iyon sa baywang niya. “Kumapit ka nang mahigpit.”
Sinupil ko na lang ang ngiti ko at sinunod ang gusto niya. Inayos ko ang beanie ko sa ulo nang makarating na kami sa bayan. Gusto ko sanang bumaba na lang hanggang dito pero parang ayaw na rin ng katawan ko na gumalaw. Komportable na kasi akong nakaupo rito. Ewan ko rin kung bakit mas nagustuhan ko na kayakap ang estranghero na ito.
Sa kalagitnaan nga ay may mga tao ang humarang sa harapan namin. Mabagal na ang pagpapatakbo niya kasi marami ngang mga paninda ang mga ito na halos wala na ring daan. As usual ay makulay pa rin ang paligid.
“Azul! Hala, may dinala kang babae mula sa Manila?!”
“Nagtanan kayong dalawa? Kaya naman pala nakita kitang nagmamadali kanina at ang bilis mong magpatakbo ng kabayo mo.”
Mabilis kong inilipat ang mukha ko sa right side kasi tiningnan nila ang mukha ko. Nag-init ang pisngi ko sa sinabi nila. Ano raw? Nagtanan kaming dalawa? Uso pa ba ang ganoon?
Grabe sikat pala siya rito at marami siyang kakilala.
“Mukha namang maganda ang mapapangasawa mo, Azul. Aba, ang kinis ng kutis niya at mukhang... mahihirapan kang buhayin siya. Laki yata sa layaw.” Nalukot ang ilong ko sa narinig kong sinabi nito.
“Hindi ko makita ang mukha.” Itinukod ko na lang ang noo ko sa matigas niyang likod. Kasi lumipat sila roon, eh. Inayos ko pa ang buhok ko para takpan ang magkabilang cheek ko.
“Hindi ho. Isa lang siyang dayo. Ihahatid ko siya roon sa Villa Ciesta,” magalang at mahinahon na saad niya. Hindi siya affected. Samantalang ako ay binundol na ako nang kaba sa dibdib. It seems may butterfly rin sa tummy ko.
Never kong naisip na sumama sa isang lalaki para lang makipagtanan. Like ew, wala iyon sa isip ko.
“Isang dayo?”
“Villa Ciesta? Hindi naman sila tumatanggap ng mga bisita kung walang okasyon ang pamilyang Ciesta. Maliban na lang siguro kung siya ang señorita nina Señor Eldino at Señora Certiza.” Pangalan iyon ng beloved parents ko. OMG, dapat surprise lang ang pagdating ko. Baka maunahan nila ako kapag may nakaalam about my arrival.
“Please, let’s go,” I whispered and pinching his back a little bit.
“Aalis na po kami.”
“Nagmamadali kayo?”
Hindi na siya umimik pa and I felt relief again kasi nakalayo na kami but when I tried na tingnan sila from behind ay nakatingin pa rin sila sa direksyon namin. Curious sila. I avoided looking at them.
“Sino sila?” Hindi siya sumagot sa tanong ko. Snob din siya at hindi namamansin.
We finally arrived na rin sa villa namin. I smiled nang makita ko na iyon. I missed this place. Matagal nga akong nawala.
Inihinto na rin niya ang kabayo niya nang makapasok na kami sa malaking gate namin.
“Baba na,” utos niya at napatingin naman ako sa lupang tatapakan ko. Masyadong mataas. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya at nauna siyang bumaba kasama na ang maleta ko.
Hinawakan ko na ang vest at umigting na naman ang panga niya. Bakit ba ganyan ang reaction niya? Tsk. Palagi na lang siyang naiinis sa akin ng wala naman akong ginagawa sa kanya.
Hindi na siya naglahad pa ng kamay sa akin dahil sa halip ay hinawakan niya ako sa magkabilang baywang ko. I stilled at parang may kung ano sa mga palad niya. Mainit iyon at dumadaloy ang kuryente patungo sa baywang ko.
Ilang beses akong napatikhim at naibaba niya rin ako. Kapag titingala ako sa kanya ay ako lang ang mahihirapan. Ang tangkad ba naman niya kasi. Umabot lang yata ako sa labi niya o baka sa balikat niya lang.
Sa lapit ng katawan namin ay tila nararamdaman ko na rin ang tensiyon sa pagitan namin. Mainit at nahihirapan akong huminga.
“Thank you,” sambit ko. His lips press together. Ayaw magsalita ni kuya. Ibinigay ko na sa kanya ang vest niya. Kinuha naman niya iyon at hindi na sinuot pa.
“Azul? Sino ang kasama mo?” Napalingon pa kami pareho nang may nagsalita. Azul pala ang pangalan niya? As in blue? Chos, kidding aside. “Teka lang... Parang kilala ko. Namumukhaan ko siya.” Tinanggal ko ang beanie ko. Inayos ko na muna ang buhok ko saka ako ngumiti sa kasambahay namin na matagal ng nagserbisyo sa family namin.
“Kumusta po, Nanay Lore?” nakangiting bati ko at napatutop pa siya sa bibig niya. She was shocked.
“Señorita Eljeh?! Ikaw na ba iyan, hija?!”
“The one and only Eljehanni po,” sabi ko at patakbo siyang lumapit sa akin. Dumistansya na ako sa lalaking naghatid sa akin para salubungin si Nanay Lore.
Noong bata ako ay siya rin ang nag-alaga sa akin hanggang sa pagtanda ko. Kaya literal na hindi lang siya servant namin. Isa siya sa mga taong pinagkakatiwalaan nina Mama at Papa.
Yumuko ako para maabot niya ang mukha ko at nangilid agad ang mga luha niya. Pulang-pula na.
“Ikaw nga! Dalawang taon ka ring nawala sa villa!” naiiyak na sabi niya saka niya ako niyakap. Hinagod ko ang likod niya dahil nagsimula na nga siyang umiyak.
“Opo, na-miss kita Nanay Lore. Nasaan po pala ang Mama ko? Surprise po ito kaya hindi ako tumawag na darating ako ngayon,” I stated.
“Naku, tiyak akong matutuwa ang Mama mo, Señorita! Nasa sala ang iyong ina at nagkakape dahil masakit daw ang ulo niya.” Nang akma niya akong hihilahin ay tumingin ako sa lalaki. “Bakit, hija?”
“Salamat ulit. Pero puwede ka bang tumuloy? Magkakape lang?” tanong ko at bahagyang kumunot ang noo niya. Kumibot-kibot ang labi niya pero hindi naman siya nagsalita pa.
“Si Azul? Hardinero natin siya, Señorita.” Tumango ako. Medyo nagulat ako sa trabaho niya. Isa lang siyang hardinero namin? Hindi ako judgemental pero nakagugulat naman iyon. Pero mukha naman siyang may kaya sa buhay. Sa gandang lalaki niya ay hindi ko akalain nagtatrabaho lang pala siya sa pamilya ko.
“Pasok ka muna?” muling pag-aaya ko. Sana naman ay pumayag siya.
“Salamat na lang. Marami pa kasi akong gagawin,” tanggi niya. “Mauna na po ako,” paalam naman niya kay Nanay Lore at saka siya sumakay ulit sa kabayo niya.
Medyo disappointed ako kasi gusto ko pa siyang makilala ng lubos. Kahit na suplado siya at hindi namamansin. Parang wala siyang pakialam sa paligid at walang interes sa mga babae. Well, pupuntahan ko pa rin siya para magpasalamat. I suddenly felt something excitement, eh?
“Hayaan mo na iyang si Azul, Señorita. Pribado siyang tao, hindi pala-salita, hindi rin pala-kaibigan at pero masipag na bata iyan.” Napatango ako. Iyon ang maganda. Masipag at hindi tamad-tamad.
“Ang guwapo niya ho,” nasabi ko na lamang at tinawanan ni Nanay Lore saka niya ako hinila papasok. May kumuha na sa maleta ko.
Ang sarap talaga sa pakiramdam ang makauwi sa sarili mong bahay. Ganito ang atmosphere niya, parang bumalik lang ako sa pagkabata ko.
Nasa living room nga namin si Mama. Sumisimsim nga siya ng coffee at hawak pa niya ang mug. Nanonood din siya ng TV.
“Señora Certiza,” Nanay Lore uttered my Mama’s name at napatingin ito sa direksyon namin. Nang makita ako ay naibaba niya ang mug at napatayo siya. Her eyes widened in shocked.
“Hi, Mama. Long time no see.” Mas gumuhit ang gulat sa mukha niya. I walked towards her at sinalubong niya rin ako.
“Is that you, darling? Eljehanni?!” I chuckled softly. Nang tumango ako ay tumulo ang mga luha niya. Marahan kong pinunasan iyon.
“How are you, Mama? Did you miss me?” I asked her. She pulled my arms at binalot niya ako nang mahigpit na yakap.
“Oh, God... Oh, God. Nakauwi na ang baby ko, Nanay Lore! Oh, my God!” tuwang-tuwa na sabi ni Mama. Hala, parang bata si Mama, oh. Madalas naman kaming nag-uusap through video call pero parang wala akong paramdam sa kanya ng ilang taon, ah.
Natatawa at naiiyak pa siya habang yakap niya ako. Matagal pa nga kaming nagyakapan bago niya ako iginiya paupo sa couch. Si Nanay Lore ay kumuha ng meryenda namin sa kitchen.
“Na-miss mo ba ako ng super, Mama?” malambing na tanong ko. Nakaangkla ang kamay ko sa braso niya at nakahilig ako sa balikat ng aking Mama.
“Of course, darling! Sino naman ang hindi ma-m-miss ang unica hija niya? Ang tagal mo kayang nawala, Eljeh. Tapos umuwi ka ng walang pasabi! Sana ay maaga ka namin nasundo sa Manila. Nag-commute ba ang baby namin?” Tumango ako.
“I just want to surprise you po, kayo ni Papa, Mama. Kaunting lakad lang po ang ginawa ko at nakasalubong ko po si... iyong hardinero raw natin.” Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko.
“Si Azul ba iyon, darling?” Dahan-dahan akong tumango and her lips rose up.
“Eh, ano’ng klaseng tingin po iyan, Mama?” natatawang tanong ko.
“Bakit yata nag-blush ka noong banggitin ko ang name ni Azul, darling? Crush mo ba siya?” She was accusing me. Hala naman.
“Mama, hindi po!” I defend myself.
Bumalik si Nanay Lore at nakipagkuwentuhan na sa amin habang kumakain na kami ng meryenda. Nagutom ako.
“As in hinarangan mo siya, Señorita?” Tumango ako sa tanong ni Nanay Lore.
“Hindi iyon namamansin ng mga babae, Eljeh. Especially...” My mother touch the hem of my dress. “Conservative siyang lalaki at ayaw niya sa mga babaeng sexy.” Nasamid ako bigla sa iniinom kong strawberry juice. Mama rubbed my back.
No wonder why, palaging nagtatagis ang bagang niya sa tuwing nakikita niya ang hita ko. Iyon pala ay naiinis na siya?
“You okay, darling?” Kumuha pa ng table cloth si Mama at pinunasan ang gilid ng labi ko.
“Okay lang po ako, Mama. Nabigla lang po ako. Actually po ay hindi niya ako pinasakay noong una. Iniwan niya lang po ako roon but a few minutes later ay bumalik siya. Saka niya ako pinasakay. Halata pong masungit siya and medyo gentleman? Kasi hindi niya ako hinayaan na mag-isa roon,” nahihiyang pagkuwento ko pa.
“Mabait na bata naman si Azul.”
“Ikaw po, Mama? Ang sabi po ni Nanay Lore ay masakit ang ulo mo,” ani ko. Umiling siya at hinawakan ang kamay ko.
“Nawala iyon bigla nang makita kita, anak ko. Na-stress lang ako sa dami ng work ko,” sabi niya.
“I will handle it soon, Mama. Para mag-relax na lamang kayo ni Papa. Tapos mag-honeymoon kayo sa other country.” She chuckled softly.
“Ikaw talaga.” She gently pinched my cheek.
“Kayo po, Nanay Lore? Ang hubby niyo po? Kumusta?” Isa sa mga tauhan ni Papa ang asawa ni Nanay Lore. Iyon nga lang ay hindi sila nagkaroon ng supling pero sapat na raw iyong magkasama silang dalawa pero may inampon naman sila.
“Okay lang naman ang Tatay Jerome mo, Señorita.”
“May pasalubong po pala ako sa inyo. Nasa maleta ko lahat.” Tumayo na muna ako para kunin ang maleta ko. Iilan lang ang mga damit na dala ko. Mas marami ang pasalubong ko sa kanila, eh. Isa-isa kong inilabas ang mga iyon.