Sa second day ng open house ng farm, dito naman ako ngayon sa taniman ng mga puno ng mangga at saging. Tinutulungan ko ang mga tao na mag-harvest ng kani-kanilang prutas, dahil fiesta ng probinsya, may mga tourist din. Pinagbabayad namin sila ng entrance, may binebenta din kami na souvenirs, mga dried fruits and nuts, mga kakanin at kung anu-ano pa. Pero libre ang lahat ng mga ito para sa nakatira sa bayan. Masaya ako at nakikita ko ang mga tao na natutuwa sa kanilang experience dito sa farm. Sina Yhuno at Thrivon naman ay ini-entertain ang mayor gaya ng bilin ko sa kanila. Sila ang anak ng may-ari ng farm and technically sila ang owner ng lugar kaya need nilang makipag-socialize kahit pa ayaw nila sa isang tao. Napapayag ko din sila sa dahilan na mailalayo nila sa akin ang kanilang biol

