Ace’s POV (before the accident) “Hindi ka pa ba uuwi?” Tanong sa akin ni Carmella na may lungkot sa kanyang boses. Nandito kasi ako sa lungsod at may inaasikaso ako na mga bagay na kailangan kong pagtuunan ng pansin. Halos isang linggo na akong wala sa farm, at wala pa talaga akong balak na bumalik. Hindi ko pwedeng sabihin ang dahilan kung bakit dahil may nagawa akong isang kasalanan sa kanya. Nahihiya nga ako at parang wala akong mukhang ihaharap sa kanya pag bumalik na ako sa farm. I trust her though at alam ko na kaya niyang alagaan ang Hacienda habang wala ako. Sobrang nagi-guilty ako ngayon lalo na at halata ko ang pangungulila sa kanyang boses. We are only married for convenience, for company, pero naging matalik na rin kaming magkaibigan. We enjoy ourselves in bed though, and sh

