Nagising ako na mainit ang pakiramdam dahil sa dalawang naglalakihang mga katawan na pinagigitnaan ako. Simula kasi ng may mangyari sa amin ni Thrivon, tatlo na kaming natutulog dito sa kama ko, at buti na lang malaki ito. Sa mga gabi na kasama ko sila, lagi nila akong pinapaligaya. Hindi pa sabay pero mukhang malapit ng mangyari ‘yon. Si Raider mukhang nasasarapan na sa pag-stay sa kabilang kwarto dahil solong-solo niya ang malaking kama doon. Dahan-dahan kong tinanggal ang mga brasong nakadantay sakin at dahan-dahan rin akong bumaba ng kama para hindi sila magising. Palagi na akong nakahubad na natutulog ngayon, tinatanggal din lang naman nila kasi, minsan pinupunit pa. Halos mag-isang buwan na sila na nandito sa farm at so far nag-eenjoy naman sila na kinasasaya ko naman. Minsan tumat

