Matapos naming mag-breakfast, excited si Raider nang kinuha ko ang kanyang leash. Tumatalon-talon pa ito ng bahagya at kumalma naman nang inilagay ko na ang kanyang leash. Alam niya kasi na maglalakad kami sa paligid ng mansion. Mabilis siyang naka-recover, although my cast pa rin ang isa niyang paa pero secured naman. Syempre natutuwa naman ako because he is back being all happy and jumpy dog. Magana din siyang kuamkain at parang nalimutan nito ang trauma na pinagdaanan niya. Malaki din ang naitulong ni Yhuno dahil isa siya sa nag-alaga at nagmahal sa aso. Nauna na pala siyang lumabas para tignan ang mga inani namin na pananim. Malapit na rin kasi ang fiesta at ilang araw din ang kasiyahan sa buong bayan. Nang matpos ang walking namin, agad na akong pumunta sa office para gawin ang mg

